Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Patirica Javier Doc Rob Walcher Robert Ryan

Anak ni Patricia namana ang pagiging matulungin nilang mag-asawa

HARD TALK
ni Pilar Mateo

KUNG pagiging matulungin sa kapwa ang pag-uusapan, naimulat na sa maagang panahon ng mag-asawang Patirica Javier at Chiropractor Doc Rob Walcher sa kanilang dalawang anak ito.

Kinalakhan na nina Robert at Ryan ang nakitang pagtulong sa kapwa ng mga magulang.

At ngayong nagbabahagi na sila ng tulong sa pamamagitan ng health and wellness na pinalalaganap ng mag-asawa sa iba’t ibang parte ng bansa, minana na ito agad-agad ni Robert.

At noong kanyang kaarawan, binisita ng kanyang Car-A-Van ang mga kaibigan niya, sampu ng mga kapuspalad na naghatid ng cake at namahagi ng mga Vitamin C supplements mula sa klinika ng ama.

15th birthday ‘yun ni Robert. Sa halip na siya ang  tumanggap ng regalo, siya ang namigay nito sa mga tao.

At sa mga charity events ng ina, bilang Noble Queens of the Universe na ginagalugad din ang sari-saring lugar for her and her Queens’ medical missions, sumasama si Robert sa paghahatid ng tulong. At tuwa sa mga tao.

Kung ang Daddy naman niya ang naghahatid ng libreng chiropractic sa ating mga magsasaka, mangingisda, tindero, drivers, magtataho at sa mga taong literal na nagbabanat at bali ng mga buto,  sa kalye man, sa kung saang basketball court, sa bundok at sa tabing-dagat, nakita na ni Robert ang taos-pusong pagbibigay-tulong ng mga magulang.

It’s our way of giving back. My parents have taught us what it is to serve without expecting anything in return. When we were living in San Diego, we’ve been immersed to that kind of environment already. And now, with our kababayans here, it’s just a breeze to see their smiles when we are able to be of help in whatever way we can to them.”

Nag-aartista at modelo na rin si Robert pati na si Ryan. 

Pero alam nilang pag-aaral muna ang kailangan nilang maging prioridad.

Kung sino ang magiging artista o chiropractor in the future eh, matagal-tagal pang masisiguro!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …