Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Abby Viduya IG Hacked

Abby ‘ginamit’ sa pang-i-scam

HARD TALK
ni Pilar Mateo

MARAMI na sana ang natuwa nang makita ang post sa Instagram account ni Abby Viduya noong February 19, 2022.

At marami na sana ang maeengganyo na sumali sa nag-aanyayang Crypto Wallet na nakasaad na nag-invest ng $5,000 ang dating Seiko baby. In just 3 hours lang daw, lumago ito to $100,000.

Ang laki kasi ng kita na inilagay ng nag-aanyayang post.

Pero kasunod niyon, ang pasubali na ni Abby, sa kanyang FB account.

Please disregard any posts or messages from my instagram account. I was hacked.

Kung titingnan naman ang post ng being managed na rin now ng Viva na si Abby (katuwang si Nestor Cuartero), panay post ng kampanya ng karelasyon na si Jomari Yllana (na muling tumatakbo sa pagka-Konsehal sa Unang Distrito ng Parañaque) ang makikita.

O, ang manaka-naka nilang pagde-date na panay naman pagkain ang isine-share.

Nag-eendoso ng isang clinic si Abby na nag-undergo siya ng sari-saring treatment.

Sabi naman niya noon, ‘yun ang advice sa kanya ni Boss Vic (del Rosario). Isasama na pala sana siya sa Porn Starpero may iba pang naisip na proyekto si Boss Vic for her.

Solo? Mas sexy pa ba?

Tingnan natin kung nakasunod na si Abby sa beauty and body regimen niya gaya ng Uktherapy at EM Sculpt!

Mukhang dito muna nagko-concentrate sa Parañaque si Jom. At wala pang nasi-share na mga larawan ng Bicol si Abby.

Sila ni Jom ang nag-aasikaso ng ancestral home ng mga Garchitorena-Yllana sa CamSur. Sa Tigaon.

Si Jom naman eh, panay ang share ng pics ng mga anak kay Joy Reyes. Ang bilis naman kasi magsilaki ng mga guwaping ding bagets. At siyempre, the Kuya Andre is not far behind!

Nagka-ayos na kaya sila ng nanay ng dalawang bagets?

Waley ang ganitong kiyemeng kikita ka sa ii-invest mo. Scam is the name of the game!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …