Sunday , December 22 2024
QC quezon city

Mag-ama arestado sa kahon-kahong bala at pampasabog sa QC

DINAKIP ang mag-amang nakompiskahan ng kahon-kahong bala ng baril at pampasabog na dinala sa kanilang tahanan sa Quezon City, nitong Martes ng gabi.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Julius Banson Lincuna, 50, may asawa, jobless, at Bejay Abet Lincuna, 23, may asawa, construction worker, kapwa residente sa Presidential St., Sitio 4, kaliwa, Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Sa report ng Batasan Police Station (PS-6) ng Quezon City Police District (QCPD), bandang 9:50 pm nitong 1 Pebrero, nang arestohin ang mga suspek sa Presidential Road, Sitio 4 Kaliwa, Brgy. Batasan Hills, sa lungsod.

Ayon kay P/MSgt. Jonathan Lugo ng PS 6, nakatanggap sila ng intelligence report mula sa Regional Intelligence Department ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), na may idedeliber na mga bala at mga pampasabog na nakasilid sa limang bayong at chicken carrier box sa tahanan ng mga suspek.

Matapos matanggap ang report, agad nagkasa ng operasyon at pumosisyon na ang pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng RID, NCRPO, DID, QCPD at AFP-ISAF sa nasabing lugar.

Habang nakaposisyon sa lugar ang mga operatiba, naispatan nila ang suspek na si Bejay at ama niyang si Julius na kapwa walang suot na facemask at bitbit ang limang bayong at chicken carrier box.

Agad sinita ng mga pulis ang mag-amang Lincuna at siniyasat ang mga dalang bayong at ang chicken carrier.

Doon ay nakita ng mga pulis ang buhay na tandang sa bawat bayong na may mga kasamang kahon na magkakasama sa chicken carrier box at nang kanilang buksan ay bumungad ang maraming mga bala at pampasabog kaya agad inaresto ang mag-ama.

Nasamsam sa mga suspek ang limang bayong, isang chicken carrier box, 1,500 rounds ng 7.62 ammunitions na nakasilid sa 75 kahon, apat piraso ng Pentex booster explosives at limang buhay na roosters.

Ang mga suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9516 as Amended of PD1866 (Codifying the Laws of Illegal/Unlawful Possession, Manufacture, Dealing in, Acquisition or Disposition of Firearms, Ammunitions or Explosives and Imposing Stiffer Penalties), at RA 10591 (Comprehensive Law of Firearms and Ammunitions) and Omnibus Election Code. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …