Sunday , December 22 2024
Philippine Drug Enforcement Agency PDEA

P.4-M shabu kompiskado
5 DRUG SUSPECTS DINAKIP NG PDEA SA BULACAN DRUG DEN

DINAKIP ang limang drug suspects, ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa buy bust operation sa hinihinalang drug den sa San Jose del Monte, Bulacan, nitong Sabado ng hapon.

Batay sa ulat ng PDEA operating team na isinumite kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, kinilala ang mga suspek na sina Arturo Trinos, 49 anyos, Norilyn Mariano, 43, Annalyn Dupra, 40, Sanny Bernardo, 46, at isang 17-anyos dalagita, pawang residente sa Minuyan Proper, San Jose Del Monte, Bulacan.

Sa report, dakong 4:30 pm nitong 30 Enero, nang isagawa ang drug operation sa Minuyan Proper.

Una rito, nakatanggap ng tip ang PDEA hinggil sa ilegal na operasyon ng mga suspek kaya’t agad nagkasa ng buy bust operation sa sinasabing drug den sa lugar.

Agad inaresto ang mga suspek nang magpositibo ang transaksiyon.

Nasamsam sa mga suspek ang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P400,000, at drug paraphernalia.

Inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …