Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carla Abellana Tom Rodriguez Rey PJ Abellana

Rey nagulantang sa balitang hiwalay na sina Carla-Tom 

HARD TALK
ni Pilar Mateo

ANO ba naman itong balitanf naghiwalay na ang noong Oktubre 2021 lang ikinasal na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez?

Ang saklap namang balita.

Kaya, maski ang mahal na ama ni Carla na si Rey eh, nagulantang sa balita.

Nakita namin kung gaanong kasaya nina Carla at Tom nang mamanhikan sila sa pamilya ni Rey. At kung paanong tinanggap ni Rey si Tom para maging manugang.

Masakit kung totoo ang balitang may itinuturong 3rd party.

May nagsasabi, matagal na nakasama raw ito ni Tom sa isang teleserye. Maganda nga at bata pa ang pinaghihinalaang dahilan daw. Dahil napuputungan na rin daw ito ng korona sa mga sinalihan ng patimpalak. At hindi raw maikakaila ang taglay na SPARKLE nito.

Marami ang tumukoy sa pangalan ng itinuturong dahilan.

Isang vlogger pa nga ang nagsabing umano’y, buntis ito.

Maraming Marites na ang nagsisisawsaw sa usapin, sa usapan.

Sana lang, hindi nga raw ito totoo. Na kung dinaanan man ito ng mag-asawa eh, matapos na at maayos na nila.

Hindi biro ang makipaghiwalay.

Isang napakabigat na dahilan ang pag-uugatan ng lahat.

Sa isang babaeng matagal na panahong inalagaan ang pagmamahal sa lalaking tinanggap ng buong puso at kaluluwa sa mata ng tao at mata ng Diyos, masaklap na tanggaping may sisira at makasisira pa pala sa pagtitiwalang ‘yun.

No word yet from Carla nor Tom. Not even from their managers o management para pabulaanan ito.

Wait and see. 

All we can do is pray. For them. Na this too, shall pass. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …