Sunday , December 22 2024

Umentohan ang mga nurses

FIRING LINE
NI ROBERT ROQUE, JR.

SAKALI mang hindi pa maliwanag, bibigyang-diin ng kolum na ito na ang lahat ng nurses sa mga pampublikong ospital at pasilidad ay dapat kumikita ng pinakamababa ang P35,097 kada buwan. Shout-out ito sa lahat ng pampublikong ospital at health care facilities na pinangangasiwaan ng gobyerno at ng mga pamahalaang lokal.

Noong Enero 2020, nilagdaan ni Pangulong Duterte at tuluyang naging batas ang Republic Act 11466 (Salary Standardization Law 5), na nagtaas sa kompensasyon ng nasa Nurse 1 category sa Salary Grade 15 mula sa Salary Grade 11.

Alinsunod sa compensation schedule ng bagong batas na ito, P41,172 (SG 16) ang dapat na buwanang suweldo ng mga may posisyong Nurse II; P44,833 (SG 17) para sa Nurse III; P55,268 (SG 19) para sa Nurse IV; P61,937 (SG 20) para sa Nurse V; P77,801 (SG 22) para sa Nurse VI; at P99,020 (SG 24) para sa Nurse VII.

Bagamat ang mga ospital ng gobyerno, tulad ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI), ay tumatalima sa bagong SSL 5, napag-alaman ng Firing Line na ilang prominenteng medical centers ang patuloy na nambabalewala sa implementasyon ng bagong batas kahit pa iniaatas ito ng Malacañang at ng Department of Health (DOH). Ganitong impormasyon din ang nakarating kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, na pinangalanan ang Veterans Medical Memorial Center (VMMC) sa North Avenue, Q.C. bilang isa rito.

Para sa akin, isang kasalanang mortal ang papaghintayin at paasahin ang mga kawawa nating nurses, lalo na iyong mga nagtitiis sa sitwasyon ng mga hindi maayos na pagamutan sa mga LGU, kung kailan nila matatanggap ang umentong itinakda ng batas para sa kanila.

Mahalaga rin mabanggit na kahit pa aprobado na ito bilang batas, kahiya-hiyang tinangka pa ng Department of Budget and Management (DBM) na balewalain ang intensiyon na itaas ang sahod ng mga nurses sa bansa. Ipinagpaliban nito ang promotion ng mga nurses na ilang taon nang nagsisilbi sa gobyerno upang hindi umabot sa Nurse II status.

Ang iba namang Nurse II na ay ibinalik sa Nurse I sa bisa ng DBM Circular 2020-4 na ipinalabas noong Hulyo 2020. Sa bisa ng circular, hiniling pa ng DBM na tanggalin ang posisyong Nurse VII, na natural lang na magde-demote o magpapababa sa posisyon ng maraming nurses upang mapanatili ang suweldo sa antas bago pa naisabatas ang SSL 5.

Mabuti naman at kumilos ang Malacañang, nagpalabas ng memorandum order si Executive Secretary Salvador Medialdea, Hunyo ng nakalipas na taon, upang baliktarin ang mga demotions na isinusulong ng DBM. Pero ‘eto ang siste: maraming nurses ang hindi pa rin natatanggap ang kanilang umento dahil sa pagkakaroon ng limitadong budget, lalo sa antas ng pamahalaang lokal.

Ngayong nagsimula na ang 2022 na may bagong budget para pondohan ang mga gastusin buong taon, tama lamang na tumalima ang lahat ng pampublikong ospital at medical facilities sa bansa sa bagong salary schedule ng nurses. Kasabay nito, ang mga nurses na buong tiyagang naghintay ay karapat-dapat bayaran ng salary differential sa loob ng anim na buwan simula nang naging epektibo ang direktiba ni Medialdea noong 1 Hunyo 2021.

* * *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …