Thursday , May 8 2025
bagman money

P2.26-B NGP fund gamitin sa trabaho ng mga sinalanta ng bagyong Odette

“ANG bultong pondong P2.26 bilyon para sa reforestation ay dapat mapunta sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette para mabigyan ng trabaho at kabuhayan ang mga biktima habang nagtatanim ng mga puno sa mga lugar na nasira ng kalamidad,” ayon kay Senator Joel Villanueva.

Ani Villanueva, ang P2.26 bilyong pondo para sa National Greening Program (NGP) ay makapaghahatid ng trabaho para sa mga residente na nawalan ng kabuhayan dahil sa bagsik ng epekto ni Odette.

Dagdag ni Villanueva, nasa posisyon ang pamahalaan na gamitin ang pondo ng NGP para makapagbigay ng kabuhayan sa mga biktima at maprotektahan ang kapaligiran.

“Ang pagkasira ng mga kagubatan ay magdudulot ng higit na pinsala o landslide dahil nawalan sila ng forest at mangrove cover,” paliwanag ni Villanueva.

“Pero ang good news, kaya po itong maiwasan ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno at pagbibigay ng trabaho sa mga taong nasalanta,” ani Villanueva.

“Matutugunan ang pangangailangan ng kabuhayan at ang pagtatanggol sa kalikasan. Mas mainam na ang ‘relief’ ay trabaho lalo na kung nakatutulong sa kalikasan,” ayon kay Villanueva.

Aniya, magagamit ang pondo para sa NGP para sa mangrove planting na magsisilbing fish nursery at maging “tsunami and storm surge armor” para sa mga komunidad na malapit sa dagat.

Ang NGP ay inilunsad noong 2011, at ang P2.26 bilyong pondo nito ay isa sa mga programa sa ilalim ng P19-bilyong pondo para sa 2022 ng ahensiya para sa kapaligiran at likas na yaman. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan Cynthia Martin

Check Also

PNP CIDG

P1.1-M ilegal na produkto mula Korea nasamsam
DAYUHANG NEGOSYANTE, 2 EMPLEYADO ARESTADO

SA DIREKTIBA ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil na pahusayin ang pag-iwas sa krimen …

Sara Discaya

Sarah Discaya sa mga Pasigueño: Piliin ang mga pinunong inuuna kayo

PASIG CITY — Nanawagan ngayong araw si mayoral candidate Sarah Discaya sa mga Pasigueño na …

Bulacan Police PNP

7 wanted persons tiklo sa manhunt operations

NASAKOTE ang pitong wanted na indibiduwal sa magkakahiwalay na operasyong isinagawa ng Bulacan PPO mula …

Norzagaray Bulacan police PNP

Sa Norzagaray, Bulacan
PUGANTE NASUKOL SA PINAGTATAGUAN DERETSO KALABOSO

NAGWAKAS ang matagal na panahong pagtatago nang tuluyang mahulog sa kamay ng batas ang isang …

Comelec

Comelec “All systems go” sa eleksiyon sa Lunes

“ALL SYSTEMS GO” na ang Commission on Elections (Comelec) para national and local elections (NLE) …