Friday , November 15 2024
COVID-19 lockdown bubble

NCR nasa ‘severe outbreak’ vs COVID-19 cases

ni Almar Danguilan

Nasa “severe outbreak” ng COVID-19 cases ang buong National Capital Region (NCR) base sa metrics ng US nonprofit COVID Act Now, ayon sa OCTA Research group nitong Martes.

“The average daily attack rate (ADAR) increased to 89.42, which is above the Covid Act Now threshold for a severe outbreak (greater than 75 per day 100k),” base sa post ni OCTA Research fellow Guido David sa kaniyang Twitter.

Batay sa datos ng OCTA, ang ADAR ay 89.42 mula January 4 hanggang 10 na mas mataas kumpara sa 12.71 ADAR noong December 28, 2021 hanggang January 3, 2022. 

Ang ADAR ay ang ‘average number’ ng mga bagong kaso sa nasabing period mula sa 100,000 indibidwal.

Ayon sa grupo, ang seven-day positivity rate sa Metro Manila ay tumaas ng 48 porsyento mula sa 20%. 

Ang positivity rate ay porsyento ng mga indibidwal na nagpopositibo sa mga test kontra COVID-19.

“The reproduction number decreased to 5.22 from 5.65, which indicates the trend slowed down slightly. Hospital bed occupancy increased to 57% and is likely to exceed 70% next week. Overall, NCR (National Capital Region) is classified as very high risk,” dagdag pa ng OCTA fellow.

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …