NAARESTO ng mga operatiba ng Eastwood Police Station 12, ng Quezon City Police District (QCPD) ang 54 katao dahil sa paglabag sa health protocols at mga ordinansa sa lungsod.
Kabilang sa mga naaresto sina Felixberto Reli, 35, residente sa Fairlane St., West Fairview, QC; Ramie Bunda, 49, ng Ma. Clara St., Brgy. III Caloocan City; Marcial Saturnino, 23, ng Upper Bicutan, Taguig City, at Adelaida Cabinatar, 55, naninirahan sa Rosario, Pasig City.
Ayon kay P/Lt. Col. Cristine Tabdi, station commander ng PS 12, nagsagawa ang kaniyang mga tauhan sa pamumuno ni P/Lt. Roselyn German ng checkpoint, oplan-sita, galugad, bulabog, upang estriktong ipatupad ang minimum health protocols at Quezon City Ordinances na may kaugnayan sa IATF Guidelines.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakadakip ng 54 katao na ang ilan ay dahil sa hindi maayos ang pagsusuot ng face mask, habang ang iba naman ay lumabag sa traffic ordinances at inisyuhan ng Ordinance Violation Receipts (OVR).
Ang mga naaresto ay nahaharap sa kasong paglabag sa Quezon City Ordinances.
(ALMAR DANGUILAN)