I-FLEX
ni Jun Nardo
GINAWANG panangga sa kalungkutan ng Kapuso artist ang trabaho nang mawalan siya ng mga mahal sa buhay last year. Kung tama kami, tatlong mahal sa buhay ang nawala sa buhay ni Jo Berry.
Magbabalik si Jo sa GMA afternoon drama na Little Princess. Sina Rodjun Cruz at Juancho Trivino ang lalabas na love interest niya at naging sandalan din noong mawalang ng mahal sa buhay.
Eh, ang boyfriend niya, ano ang ginawa noong lowest moments ng buhay niya?
“Wala po tayo niyan! Ha! Ha! Ha!” sambit ni Jo sa virtual mediacon ng afternoon series na magsisimula sa January 10.
Suwerteng maituturing ang pagkalinga ng Kapuso Network kay Jo dahil kahit little people siya, hindi nawawalan ng projects na bidang-bida siya!