Sunday , December 22 2024
COVID-19 lockdown bubble

Positivity rate ng Covid-19 sa NCR, bahagyang bumagal — OCTA

INIHAYAG ng OCTA Research Group na nagkaroon ng bahagyang pagbagal ang positivity rate ng CoVid-19 sa National Capital Region (NCR) nitong Linggo.

Ayon kay OCTA Research Group Fellow, Dr. Guido David, umabot sa 28.7% ang positivity rate na naitala sa rehiyon nitong Linggo, o bahagyang mas mataas lamang sa 28.03 naitala noong Sabado at nagresulta upang maiklasipika ang NCR bilang high risk sa CoVid-19.

Sinabi ni David, maaaring ang pagbagal ay bunsod ng pagkaunti ng mga social at mass gatherings para sa pagsalubong sa Bagong Taon.

         Gayonman, sinabi ni David na ang naturang 28.7% positive rate ay lampas sa pinakamataas na rate na naitala sa bansa noong kasagsagan ng Delta surge noong nakaraang taon, at patungo na ngayon sa pagtatala ng highest recorded positive rate na 30%.

“No’ng Delta surge last year, ‘yung pinakamataas natin umabot lang tayo ng 27-28% e. So, parang nahigitan na natin ‘yung positivity rate ng peak ng Delta surge. Pero noong March-April last year, umabot tayo ng 30% so I think mahihigitan pa natin ‘yung 30% na positivity rate,” pahayag ni David sa isang panayam sa radyo.

Sinabi ni David na dahil dito, maaaring umabot pa sa 10,000 ang bagong kaso ng CoVid-19 na maitatala sa NCR sa susunod na linggo.

Umaasa si David na makatutulong ang paghihigpit ng restriksiyon sa NCR, na nasa alert level 3 simula nitong Lunes, sa pagpapabagal ng CoVid-19 transmission.

Idinagdag ni David, dahil sa mas mababang testing output ngayon, ang mga bagong kaso ng CoVid-19 sa Metro Manila ngayong Lunes ay mababawasan ng 2,000 hanggang 2,500, at 3,000 hanggang 3,500 bagong kaso naman sa buong bansa.

Samantala, nagpahayag ng paniniwala si David na malaki ang posibilidad na may nagaganap na ngang Omicron transmission sa Metro Manila.

Pero aniya, hindi pa sila masyadong nababahala sa sitwasyon ng Omicron variant, na unang natukoy sa South Africa, dahil nagpapakita lamang ito ng mild na sintomas sa mga nahahawaang indibidwal na fully vaccinated na.

Sa kasalukuyan, ang NCR ay nasa ilalim ng alert level 3 hanggang sa 15 Enero 2022. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …