Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Balik-trabaho na tayo!

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

SA GITNA ng sadsad nating ekonomiya – napuruhan at inilugmok ng CoVid-19 pandemic – sa mga huling linggo ng 2021 ay mayroong nababanaagang pag-asa para sa ating magandang bansa.

Marahil pupuwede nating ikonsidera sa kalagitnaan ng krisis, ang ating year-end deficit ay nasa P1.7 trilyon, mababa sa P1.9-trilyon taya ng Development Budget Coordinating Committee, isang P200-bilyon liwanag na kasing tingkad ng pagniningning ng Venus ngayong gabi.

Totoong may magandang balita tungkol sa ating ekonomiya bukod sa nakapanlulumong rankings ng Bloomberg sa pagbangon ng Filipinas mula sa CoVid – na para sa akin ay hindi patas at pabor lamang sa Western economies, kung hindi man lantarang kabiguan sa larangan ng pagiging makatuwiran at ng katotohanan.

Ang maibsan ang epekto ng deficit, ayon sa pangunahing ekonomista sa Kongreso na si Albay Rep. Joey Salceda, ang isa sa pinakamatitinding hamon para sa bansa. Pero ang maisakatuparan ito ay nagpapatunay na totoong nakababangon na ang kita ng gobyerno kasabay ng bahagyang kabawasan sa paggastos – na pawang magagandang senyales.

Sa pagbubukas muli ng ating ekonomiya at sa pagbuti ng sitwasyon dito sa atin – sa kabila ng mga negatibong pahayag ng Bloomberg tungkol sa more-than-imperfect analysis nito sa mga bansa sa Timog Silangang Asya – isang ginintuang oportunidad ang mayroon ngayon para sa mga Filipino upang isulong ang kapakanan ng bansa habang nagsisipagpursigi sa buhay. Hindi ito ang panahon para maging Juan Tamad.

Sinisikap ng mga mambabatas sa Kamara na magkaroon ng isang P90-bilyon programa para magbigay ng subsidiya sa pasahod at pansamantalang trabaho, hindi lamang para mabawasan ang kawalan ng hanapbuhay kundi para igiit ang pagkakaroon nito, himukin ang paggastos ng publiko, at palakasin ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) upang mapasigla pa ang ekonomiya pagpasok pa lang ng 2022.

May pag-asa na mas mabilis na makababalikwas ang ating bansa at isa iyong napakagandang regalo ngayong Pasko. Ngunit isa iyong regalo na kailangang pagsumikapan ng ating masisipag na kamay – bilang pagmamahal sa Diyos at bayan. Balik-trabaho na tayo!

                                        *         *         *

 Dahil balik-trabaho na rin lang ang usapan, dapat yatang tutukan na parang lawin ni Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano ang sarili niyang bakuran. Ang pagbangon ng kanyang siyudad mula sa malamyang ekonomiya at hawaan ng CoVid infection ay maaaring isabotahe ng mga bisyong walang naidudulot na mabuti sa mga komunidad.

Ang tinutukoy ng Firing Line ay ang peryahan ng isang alyas Mike sa panulukan ng Libertad at Harrison streets sa Barangay 68. Maaaring nakakuha nga ito ng mga kinakailangang permits upang makapag-operate, pero naaalarma ang mga residente sa mga nakikita nilang mga taong walang suot na mask at mga batang pinapayagang dumagsa sa lugar.

Para sa isang matalinong alkalde na tulad ni Mayor Emi, sigurado akong hindi niya gugustuhin na ang peryahan ang pagmulan ng mga bagong kaso ng CoVid-19 sa lungsod.

*              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …