Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Heart Evangelista

Heart tigil muna sa paggawa ng teleserye (Magpo-focus sa negosyo)

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAGPAHIWATIG si Heart Evangelista na posibleng hindi muna siya gagawa ng teleserye pagkatapos ng I Left My Heart in Sorsogon na kasalukuyang napapanood sa GMA Primetime.

“It maybe my last telenovela, kaya talagang ini-enjoy ko ang bawat minutong makita ako sa ‘I Left My Heart’ at talagang ibinigay ko ang lahat-lahat ko,” sabi ni Heart sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News 24 Oras noong Huwebes.

Ayon sa ulat, pagtutuunan muna ng pansin ni Heart ang beauty company na itinayo niya kasama ang kapatid niyang si Camille Ongpauco.

Opisyal na inilunsad nina Heart at Camille ang kanilang beauty and wellness brand na Pure Living Wellness International nitong Miyerkoles.

Ayon kay Heart, layon ng Pure Living na maging isang rewarding business platform para maging empowered ang ”modern-day entrepreneurs.”

Samantala, nagpa-dinner si Heart sa kanyang bahay para sa cast at iba pang katrabaho sa I Left My Heart in Sorsogon dahil miss na niya ang mga ito.

Labis ang tuwa ni Heart sa magandang suportang natatanggap ng programa mula sa mga manonood.

“Talagang mahirap mag-taping during pandemic, kaya natutuwa kami na talagang tinatangkilik siya. The ratings are growing and growing every night. Nakakatuwa kasi hindi napunta sa wala ‘yung pagod namin,” sabi ni Heart.

“We’ve always been very proud of Heart. And I think malaking bagay din, it has more personal na nakikita niyo ‘yung kagandahan din ng Sorsogon,” sabi ni Camille.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …