Tuesday , January 7 2025

COMELEC seryoso ba sa campaign guidelines?

Isumbong mo
kay Dragon Lady
ni Amor Virata

TILA mahihirapang sundin ng taongbayan ang inilabas na alituntunin o guidelines ng Commission on Elections (COMELEC). Kung noong kasagsagan ng CoVid-19 ay maraming pasaway, ngayon pang kampanyahan para sa darating na halalan ay ipinagbabawal ang pagse-selfie o pagkuha ng retrato kasama ang kandidato,  pakikipagkamay o beso-beso, higit sa lahat ay ang pagbibigay ng mga pagkain.

Paano na ang mga magugutom sa panahon ng mga miting de avance na tumatagal ng ilang oras? ‘Di ba ang pagkakaloob ng makakain at inumin ay para mas ganahan ang mga manonood sa pakikinig sa mga kandidato dahil maiiwasan ang pagkalam ng sikmura?

Ano naman ang pagkakaiba nito nang payagan ang ilang may magagandang kalooban na namigay ng mga ayuda na maraming humawak sa mga de lata at bigas na ipinamamahagi?

Hindi ba kaartehan na ito? Kapag bumili ka ba sa palengke ng ulam sigurado ka ba na disinfected ang mga gulay o karne na nabili mo? Sa tagal mong hinawakan at binitbit ang nabili mo ay ligtas ka na sa anumang virus o bacteria? Saka mo lang lulutuin?

Kunsabagay, ligtas sa gastos ang mga kandidato, gusto kaya ito ng taongbayan o masunod kaya? ‘Di ba mas dapat pagtuunan ng Comelec ang bilihan ng boto, at dayaan sa panahon ng halalan?

Sa mga guidelines na ipinalabas ng Comelec, sa ganang akin ay isang kagaguhan! Upang maiwasan ang gustong guidelines ng Comelec sana ay wala na lang eleksiyon!

May puntos na umiwas sa pakikipagkamay o beso-beso na noon pa ipinaiiral, ngayon pa lang nga hindi masaway ang taongbayan, sa panahon pa ng kampanyahan? Sigurado hindi ito masusunod!

Ang sistema walang sinabi na penalty o kaparusahan ang Comelec sa sinomang kandidato na hindi susunod o lalabag sa guidelines!

Sabi ng ilan, maepal ang Comelec, gayong mas maraming katiwalian sa loob ng ahensiyang ito! Ang dapat nilang pagtuunan ng pansin ay ang magkano, manalo lang ang isang kandidato!

Nadadamay at hindi naluluklok ang tunay na nanalo! Maraming karapat-dapat na manalo ngunit dahilan sa pandaraya na kasabwat ang ilang empleyado ng Comelec, kaya bitaw na salita ng ilang kandidato, partikular ang mga natalo. Dinaya sila!

Paano na ‘yung mga tao na lumalapit sa mga kandidato para humingi ng tulong? ‘Yung walang makain at kailangan ng pagkain, ng gamot? Kailangan ba tanggihan ng kandidato? Patay ka na! Wala ka ng boto! Hayyyy, ano ba ‘yan Comelec? Esep-esep… hindi pa nga kampanyahan kabi-kabila na ang pagbibigay ng perang ayuda bakit ‘di n’yo ipagbawal?

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …