Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera

Marian takot pang gumawa ng serye

Rated R
ni Rommel Gonzales

FOURTH anniversary na ng Tadhana, ang programa sa GMA na si Marian Rivera ang host sa Sabado, 3:15 p.m.. 

Espesyal ang kuwentong mapapanood sa November 13 at 20, ang  Sa Ngalan ng Ama na tinatampukan ninaGabby ConcepcionEula ValdesAriella Arida, at Thea Tolentino.

Ayon kay Marian, nakatataba ng puso na umabot sila ng four years.

Masaya si Marian na nailalahad nila sa Tadhana ang mga inspiring stories ng ating mga OFW (overseas Filipino workers).

Marami pa rin ang nag-aabang na muling mapanood si Marian sa isang soap opera pero nakikiramdam pa sila ng mister niyang si Dingdong Dantes.

Sa bahay pa rin nila ang taping ng spiels ni Marian para sa Tadhana at si Dingdong ang kanyang direktor.

Sa ngayon ay hindi pa rin kaya ni Marian ang lock in taping, na halos isang buwan ay mawawalay siya sa kanilang dalawang anak na sina Zia at Sixto ng matagal.

May mensahe naman si Marian para sa ating mga OFW na apektado rin ng pandemya ng COVID-19.

“Mag-iingat sila palagi. Huwag lang sila mawalan ng pag-asa. Kakayanin natin ito. Lilipas din ito.

“At alam mo, mas magiging maayos tayo. Katulad ngayon, nakikita ko, nakikita na natin ang mga kababayan natin na nandoon na sila. Niyayakap na nila kung anong mayroon tayo.

“Sabi ko nga, mas maganda siguro kung tulungan tayo. Maging positibo. Alam mo ‘yung magtutulungan tayo sa kung ano mang hinaharap natin ngayon.

“Kasi, aminin man natin o hindi, mahirap naman talaga. Lalo na siguro ang mga taong nasa ibang bansa at hindi nila nakakasama ang pamilya nila.

“Siyempre, ang tanging magagawa natin ay ipagdasal natin sila na makaya nila at maging ligtas sila kung nasaan man sila.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …

Christine Dayrit 60 Dream Holidays Around the World

Lipa City Top Global Destination sa 60 Dream Holidays Around the World ni Cristine Dayrit

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez LIPA, isang lungsod sa Batangas na paboritong local destination ng may …

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …