Saturday , April 12 2025

25-anyos Chinese national itinumba sa loob ng bahay

MAY tama ng balang baril sa ulo at dibdib nang matagpuang ang bangkay ng isang Chinese national na nakaluhod sa tabi ng kanyang kama sa Brgy. Pinyahan, Quezon City, nitong Martes ng gabi.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), Ang biktima ay kinilalang si Jefferson Dy Tan, 25, binata, walang trabaho, at residente sa No.53-A, Mapang-akit St., Brgy. Pinyahan, Quezon City.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 6:30 pm, nitong 2 Nobyembre, nang madiskubre ang biktima sa loob ng kaniyang tahanan sa nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ni P/Cpl. Jerome Mendez, ang biktima ay mag-isa lamang sa kanyang tahanan habang ang ama na si Jaime Uy Tan ay naninirahan naman ‘di kalayuan sa bahay ng anak.

Ayon sa matandang Tan, inimpormahan siya ng kanyang helper na si Danny Subiza na nakita nito na bukas ang gate ng tahanan ng anak.

Dahil dito ay agad pinuntahan ng matandang Tan ang bahay at bumungad sa kanya ang duguang katawan ng anak na nakaluhod sa tabi ng kama at may tama ng tig-isang bala ng baril sa dibdib at ulo.

Masusi pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa motibo ng pagpatay sa biktima.

Nakasamsam sa crime scene ang SOCO team na pinamumunuan ni P/Maj. Joseph Infante ng dalawang fired cartridge cases, isang live ammunition ng kalibre .45 at dalawang plastic sachet na naglalaman umano ng 20 at 10 piraso ng ecstasy tablets. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …