Tuesday , November 19 2024

6 tulak huli sa droga

DINAKIP ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang anim na hinihinalang pusher kabilang ang isang babae, sa isang buy bust operations kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Project 4 Police Station commander P/Lt. Col. Melchor Rosales ang mga nadakip na sina Mario Matugina, alyas Art, Aaron Mapa, Fernando Dela Cruz, Adornado Chua, William Ellem at Baby Grace Sandrino.

Sa ulat, dakong 2:40 am, nitong 3 Nobyembre, nang isagawa ang drug operation sa Kalantiaw St., cor P. Tuazon Ave., Brgy. Bagumbuhay, Project 4, Q.C.                 

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang bumili ng shabu sa halagang P500 at nang magkaabutan ay inaresto ang mga suspek.

Nakompiska mula sa anim na suspek ang 11 plastic sachet na naglalaman ng isang gramong shabu, nagkakahalaga ng P6,800, apat na cellular phones gayondin ang buy bust money.

Nakapiit ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Janine Tenoso Side A

Side A at Janine Tenoso pinag-isa ng kanilang musika 

HINDI naitago kapwa ng Side A Band at ni Janine Tenoso ang excitement sa nalalapit nilang konsiyerto, ang Bonded by …

Bong Suntay Bday

‘Birthday pasasalamat’ ni Cong. Bong Suntay dinagsa

TINATAYANG aabot sa 8,000 suporters, mga miyembro ng kanyang pamilya at kaibigan, gayundin mula sa …

2 dating kaalyadong politiko ni Mayor Vico Sotto bumaliktad

DESMAYADO na ang dalawang dating mga kaalyadong politiko ni Pasig City Mayor Vico Sotto at …

Bamboo Kawayan

Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …