Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata
NOONG nakalipas na araw ng Lunes, ganap na 11:00 ng gabi, isang riding-in-tandem ang walang habas na pinaputukan ng bala ng baril ang barangay hall sa Brgy. 179 Maricaban, Pasay City at dalawa ang sugatan. Isa rito ay si Brgy. Captain Evan Basinilio, na kilalang madalas mag-operate ng mga ilegal na aktibidad sa kanyang sakop na barangay.
Si Kapitan ay tinamaan ng bala ng baril sa kaliwang hita na tumagos sa kanang hita at naiwan roon ang bala. Kaya si Kapitan ay kinakailangan maoperahan. Heto po ang kuwento ng ilang nakasaksi na ayaw magpakilala…
Matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem ang barangay hall at tamaan ng bala si Kapitan at isang miyembro ng Lupon, mabilis siyang isinugod sa San Juan de Dios.
Nasa San Juan de Dios na umano ang mga biktima, wala pa rin nagrespondeng pulis, gayong tapat ito ng presinto. Mukhang mahimbing yata ang pagkakatulog ng mga duty police sa nasabing presinto.
Habang nagkakagulo ang lahat, iisa ang bersiyon ng mga taong nakapaligid sa barangay na nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril, mabuti pa ang mga nagulantang at usisero, agad nagresponde samantala ang mga pulis sa presinto, nowhere to be found?
Attention: Col. Reynaldo Paday-os, ano at nasaan ang mga night shift duty police ninyo? Palitan mo ‘yan ng mga hindi bingi o baka duwag? Puro natutulog sa kangkungan! Kahiya-hiya!
Calling the attention of PNP chief, Gen. Guillermo Eleazar, kilala ka bilang man of action, pero ang mga pulis ninyo sa presinto ng Maricaban, tutulog-tulog! Col. Paday-os, ‘di nakikita sa gandang lalaki ang pagdidisiplina sa mga tauhan! Subukan mong itapon sa kangkungan!