Friday , May 9 2025
Keagan De Jesus

Keagan De Jesus ‘di pinababayaan ang studies

MATABIL
ni John Fontanilla

BINATANG-BINATA na at mas lalong gumwapo ang dating child star, Viva artist, at commercial model na si Keagan De Jesus.

Ani Keagan, isa siya sa mga artistang sobrang naapektuhan ng pandemya dahil tumumal ang dating ng proyekto. ‘Di tulad dati na halos wala na siyang pahinga sa kaliwa’t kanang trabaho.

Kaya naman thankful siya sa Star Cinema dahil isinama siya sa pelikulang Love at the First Stream.
 
“Gusto ko pong makatrabaho sina Kuya  Kelvin Miranda at Enrique Gil. Nakasama ko na po kasi si Kuya Kelvin sa isang photoshoot ad and mabait po siya and very humble, at magaling po talaga s’ya sa acting.

“Si Enrique naman napapanood ko lang. He can act very well din and I think marami akong matututunan sa kanya.”

At habang sem-break, ang online games at skate boarding ang pinagkakaabalahan niya.
 

At kahit nag-aartista si Keagan, hindi niya pinababayaan ang pag-aaral na kanyang first priority.

About John Fontanilla

Check Also

Ralph dela Paz

Ralph Dela Paz sunod-sunod ang proyekto

MATABILni John Fontanilla SUNOD-SUNOD ang pelikula ni Ralph dela Paz matapos bumida sa advocacy film …

Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABILni John Fontanilla KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood …

Lani Misalucha

Lani balik-concert stage para sa isang timeless music at artistic excellence

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAITUTURING na grand comeback ang pagbabalik sa concert scene ng Asia’s …

Dennis Trillo Rhea Tan Beautederm Belle Dolls

Dennis okey lang mag-endoso ng beauty product; Rhea Tan puring-puri kabaitan ng aktor

OPISYAL na ipinakilala ng President/CEO ng Beautederm, Ms Rhea Anicoche-Tan ang bagong ambassador ng Belle Dolls sun screen, Zero Filter. …

Bam Aquino Bimby

Bimby inendoso ang tiyuhin na si Bam Aquino

ISA pang miyembro ng pamilya Aquino ang nag-endoso sa kandidatura ni dating Senator at independent senatorial candidate Bam …