Sunday , December 22 2024

Dolomite beach no limits, dalaw sa yumao limitado?

BULABUGIN
ni Jerry Yap

CONSISTENT sa kanilang ‘inconsistencies’ ang Inter-Agency Task Force (IATF) at ang Department of Health (DOH) sa ilalim ng Duterte administration.

        Isang halimbawa ng inconsistency at mga ‘kakatwang’ pronouncement ng IATF, ‘yung pagpapasara ng mga simbahan pero bukas ang mga casino.

        At ngayon naman, gaya rin noong isang taon, ipinasara ang mga himlayan ng mga mahal nating yumao, mula 29 Oktubre hanggang 3 Nobyembre, ‘yan daw ay bilang pag-iingat na maging ‘super-spreader’ ng CoVid-19 ang paggunita sa Undas.

        At kung pupunta sa sementeryo, limitado rin ang oras, hindi gaya ng nakagawiang tradisyon. Bawal din magdala ng lighter, posporo lang daw. Ha? Ano ang kinalaman ng CoVid-19 sa posporo o lighter?

        Ang sakit n’yo sa ‘bangs’ ha, IATF!

        Kaya ang nangyari, pumupunta nang mas maaga sa himlayan ng mga yumaong mahal sa buhay ang bawat pamilya. Ang suma, ganoon din. Marami rin ang mga tao, nagsisiksikan rin lalo sa mga public cemetery. Kaya hindi natin maintindihan ang lohika kung bakit kailangang isara sa araw mismo ng Undas ang mga himlayan. 

        Kung tutuusin puwede namang paalalahanan ang mga tao na kung ayaw ninyong makipagsiksikan sa araw ng Undas pumunta nang mas maaga sa puntod ng mga mahal sa buhay. Nang sa gayon ay maging magaang ang crowd control at hindi magsiksikan ang mga dadalaw sa kanilang mga mahal na yumao.

        Kakatwa lang kasi na ipasasara ang campo santo sa araw mismo ng Undas. Kakaiba ‘di ba?

        At heto pa ang isang inconsistency, ipinasara ang campo santo pero pinayagang maglunoy sa puting buhanging dolomite sa Manila Bay ang mga tao.

        Sabi nga, hindi mahulugang karayom ang bilang ng mga taong naglamyerda sa dolomite beach. Ano ang gagawin ng IATF diyan? Paano nila didisiplinahin ang mga nagsipunta sa Manila bay?

        Hindi lang mga bata ang nalilito sa inyo, pati mga magulang. Hindi maipaliwanag sa kanilang mga anak kung ano ang lohika ng pagpapasara sa campo santo pero hinayaang ‘magpiging’ sa dolomite beach ang mga pasaway.

        Open air daw ang dolomite beach, e ang campo santo, hindi ba’t open air din?

        Puwede ba IATF, kung magbabawal kayo ng mga kung ano-anong super-spreader events ‘e maging consistent kayo.

        Mula sa simula, consistent lang kayo sa pagiging inconsistent!

        Have mercy naman!  

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

                 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …