Monday , May 5 2025
Smart, BTS

Pagbayad ng Smart-PLDT ng daang milyong piso sa foreign endorsers hinagupit ng kongresista

BINATIKOS ng isang partylist congressman ang top executives ng Smart-PLDT dahil sa pagkuha ng mga dayuhan bilang product endorsers na nagpababa sa mga Filipino artist.

Sinabi ng mambabatas, desmayado sa pagiging bias umano nina telco chair Manny Pangilinan at president Al Panlilio laban sa local talents na, “paying hundreds of million-pesos to foreign artists for the telco’s product promotions amid this pandemic that wrought havoc in our economy is immensely insensitive and unsympathetic to say the least.”

Reaksiyon ito ni Rep. Ronnie Ong, ng Probinsiyano Ako Partylist, sa mga report na ang isa sa pinakamalaking telecommunications firms sa bansa ay kinuha ang sikat na South Korean entertainment personalities bilang endorsers, kabilang ang kinagigiliwang BTS group na binayaran ng US $10 million para sa isang commercial noong nakaraang taon.

Ayon kay Ong, bagama’t ang pagkuha ng Smart-PLDT ng foreign talents ay sarili nitong karapatan, ang naturang ‘executive decision’ ay ikinadesmaya umano ng Filipino nationalists.

“We understand the right of local companies to choose whoever they want endorsing their products but we would like to remind them to choose Filipino first just like when we remind our kababayans to choose Filipino products first,” pagbibigay-diin ni Ong.

Batay sa report, gumastos ang Smart-PLDT ng milyon-milyong dolyar sa pagkuha sa sikat na South Korean at Western entertainment personalities para sa kanilang commercial endorsements.

Kabilang sina Hyun Bin, Son Ye Jin, Park Seo Joon at ang BTS mula sa South Korea.

Ang mga sikat na tulad nina Chris Evans, Charlize Theron at Gwyneth Paltrow ay kinuha rin umanong endorsers.

Napag-alaman na ang professional fees para sa naturang mga celebrity ay mula $1 million hanggang $10 million sa kaso ng BTS.

Noong 2015 ay kinuha umano ng kompanya si noo’y newly-crowned Miss Universe Pia Wurtzbach para sa isang commercial, at binayaran siya ng tinatayang $500,000.

Miyembro ng House Committee on the Creative Industry and Performing Arts, isinusulong din ni Ong ang ‘Filipino first‘ policy upang tulungan ang local industries na makabangon mula sa masamang economic impact ng CoVid-19 pandemic.

Noong nakaraang Hunyo ay inaprobahan ng Kamara sa third at final reading ang House Bill 9350 na nagsusulong na i- institutionalize ang  “One Town, One Product” Philippines program para maayudahan ang MSMEs sa bansa.

Naghain din sina Reps. Alfred Vargas (6th District, Quezon City) at John Marvin “Yul Servo” C. Nieto (3rd District, Manila) ng mga panukala para tugunan ang kawalan ng suporta ng pamahalaan sa local talents at movie personalities at Filipino producers.

About hataw tabloid

Check Also

Marikina Federation of Public School Teachers

‘Mga guro kami at ‘di kasangkapan ng politika’ — Marikina Federation of Public School Teachers

MARIIN naming kinokondena ang iresponsableng ulat na lumabas sa isang news website na gumamit ng …

Trabaho Partylist

Para sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon at Bulusan
TRABAHO PARTLIST, NANAWAGAN NG CALAMITY LEAVE

MATAPOS ang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, nanawagan ang TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, …

Grupo ng mangagawa, kapanalig ng FPJ Panday Bayanihan Partylist

Grupo ng mangagawa, kapanalig ng FPJ Panday Bayanihan Partylist

ANG FPJ Panday Bayanihan Partylist, sa pangunguna ng kanilang unang nominado na si Brian Poe, …

Win Gatchalian

Gatchalian: DILG hinimok bumuo ng local literacy councils para sa mas epektibong literacy programs

NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na …

Makati Taguig

Taguig ‘di tinanggihan naudlot na P200-B Makati subway project — Cayetano

BINIGYANG-LINAW ni Senador Alan Peter Cayetano na kailanman ay hindi tinanggihan ng pamunuan ng Taguig …