Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Guimary, Diego Loyzaga, Cindy Miranda, Mark Anthony Fernandez, Marco Gomez, house tour

Pelikulang House Tour, kargado sa mga pasabog at pampainit na eksena

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

TEASER pa lang ng pelikulang House Tour, maeengganyo ka ng abangan ang showing nito. Base kasi sa nakita naming teaser, kumbaga ay patikim pa lang ito, pero tiyak na tulad namin, marami ang excited ng mapanood ang pelikulang ito. Kaya sure kami na ‘yung viewers na mahilig sa astig at kakaibang pelikula na kargado ng mga sexy o pampainit na eksena, hindi dapat palagpasin ito.

Kaabang-abang kasi ang mga umaatikabong aksiyon at putukan sa pelikulang House Tour. Tunay na exciting na aksiyon ito at siyempre, iyong maiinit na aksiyon at putukan sa kama! Kaya hindi mabibigo ang mga barakong gustong mabistahan dito ang alindog nina Sunshine at Cindy!

Isa sa mga pinakapatok na vlog ang pa-house tour ng mga sikat na personalidad. Ngunit hindi malayong makatawag ito ng pansin ng mga masasamang-loob, at ang temang ito ang ipapakita ng bagong pelikula ni direk Roman Perez, Jr. na siya ring direktor ng mga malalakas na pelikulang AdanThe Housemaid, at Taya.

Ang House Tour ay isang sexy, heist thriller movie na pinagbibidahan nina Diego Loyzaga, Sunshine Guimary, Mark Anthony Fernandez, Marco Gomez, Rafa Siguion-Reyna, at Cindy Miranda. Ito ay eksklusibong ipalalabas sa Vivamax simula Oktubre 22, 2021.

Ang aktres na si Gabby (Sunshine) at ang kanyang asawang si Franco (Rafa), na dating manlalaro sa Olympics, ay naninirahan sa isang mala-resort na tahanan. Mula rito ay tanaw ang bulkang Taal. Bilang sikat na vloggers, pinagbigyan nila ang hiling ng kanilang viewers na magpa-house tour. Ang bawat sulok ng kanilang napakaganda at napakalaking bahay ay makikita sa kanilang digital channel na C Zone. Nang nag-post si Gabby na wala ito sa bahay ng buong linggo, umaksiyon na agad ang leader na si Markus (Mark), kasama ang kanyang kapatid na si Raims (Diego), ang girlfriend ni Raims na si Ely (Cindy), at isa pang miyembro na si Buddy (Marco), at dito mas naging kapana-panabik ang mga eksenang matutunghayan sa House Tour.

Nang mapasok na nila ang bahay ng mag-asawang Franco at Gabby, inangkin nilang parang bahay nila ito. Hindi nila inasahang uuwi si Franco. Hindi maiiwasan ang kanilang pagtatapat. At habang naglalabanan, may mga lihim tungkol sa bawat isa ang maglalabasan. Ang pagiging “feel at home” ng bawat isa ay mauuwi sa “kill at home”.

Huwag palagpasin ang House Tour. Mag-subscribe sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store at App Store. Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit. Meron pang hot price na P29 lang at  may 3-day access na sa Vivamax. Sa halagang P499, puwede nang makuha ang VIVAMAX PLUS. Sa pamamagitan ng special feature na ito, maaari nang mauna sa pag-stream ng gustong pelikula isang linggo bago ang regular playdate! Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya. Para makapagbayad gamit ang app, maaaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard. Para makapagbayad sa Ecommerce, maaaring pumili sa Lazada, Shopee, Comworks, Clickstore, or Paymaya. Para makapagbayad sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, at Load Central.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Unang Hirit

Isang linggong sorpresa inihatid ng UH

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGANG mga sorpresa ang hatid ng Unang Hirit para sa masayang week-long anniversary …

Odette Khan Bar Boys 2, After School

Ms Odette Khan binigyan bonggang pagpapahalaga sa Bar Boys 2

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAIYAK kami sa tila mala-tribute na pag-welcome kay Ms Odette Khan ng buong …

Rabin Angeles Angela Muji

Rabin sobrang na-challenge sa lauching movie

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA talaga ang Viva Entertainment dahil sa pagpasok pa lang ng 2026, heto …

Rabin Angeles Angela Muji Crisanto Aquino

Rabin inamin matagal nang crush si Angela, A Werewolf Boy binago ang ending

NAKAGUGULAT ang tinuran ni Rabin Angeles nang amining bata pa man siya’y crush na niya ang ka-loveteam …

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …