Saturday , November 16 2024
gun QC

Kelot itinumba ng rider sa QC

PATAY agadang isang lalaking malapitang binaril nang dalawang beses sa ulo ng hindi kilalang rider sa isang tindahan sa Barangay Batasan Hills, Quezon City, nitong Miyerkoles ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Walde Jorlano Florencio, nasa hustong gulang, tubong Infanta, Quezon at pansamantalang naninirahan sa isang barung-barong sa sidewalk ng Palengke sa Batasan, Commonwealth Avenue, Barangay Batasan Hills, QC.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 6:00 pm nitong Huwebes, 13 Oktubre, nang maganap ang insidente sa loob ng Sandigan Batil Patong Store, na matatagpuan sa KM 18, Palengke ng Batasan, Commonwealth Avenue, Barangay Batasan Hills.

Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl. Nido Gevero, Jr., nakita umano ng cashier na pumasok ang biktima sa  Sandigan Batil Patong Store, kasunod ang isang lalaking armado ng baril, naka-half-face helmet, nakasuot ng t-shirt, brown pants, at facemask.

Nagulat ang kahera nang malapitang binaril nang dalawang beses sa ulo ang biktima ng suspek na mabilis na lumabas ng tindahan, sumakay sa motorsiklo at tumakas.

Nasamsam sa crime scene ng SOCO team sa pamumuno ni  P/Lt. Reynold Tabbada, ang dalawang basyo ng hindi pa batid na kalibre ng baril.

Inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa nangyaring pamamaslang upang makilala ang salarin. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …