Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lolit Solis, Mikee Morada, Alex Gonzaga

Mister ni Alex pumalag kay Lolit Solis, respeto hiniling

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TILA nairita si Mikee Morada sa ipinost ni Lolit Solis sa kanyang Instagram account ukol sa balitang nakunan daw ang kanyang asawang si Alex Gonzaga. Kaya naman nagpahayag ito ng pagkadesmaya at humingi ng respeto.

Inamin din ni Mikee na nasaktan siya sa IG post ni Manay Lolit.

Post ni Manay Lolit, ”Naawa naman ako sa balita na nakunan daw si Alex Gonzaga. Kasi nga worried na worried ang mga followers niya at gusto malaman ang tutoong nangyari pero may nagsabi na sa vlog na lang daw ni Alex o Toni Gonzaga hintayin.

“Para bang ginawa ng business pati malungkot na balita. Siyempre para sa sinuman babae very sad na mawala ang baby mo, lalo at first baby nilang mag-asawa.

“Hindi naman siguro totoo na nagagalit ang mother Pinty nila Alex at Toni na lumabas ang balita dahil gusto nga daw nila na maging exclusive sa vlog nila. 

“Very petty ‘di ba? Dahil lang sa vlog pati ganitong balita itatago? Eh married naman si Alex, at paano itatago iyon medical record?”

Sa kabilang banda, nagbigay pa ng mensahe si Manay Lolit kay Alex, ”At be strong. Magkakaruon ka pa uli ng baby, we pray for that. Amen.”

Hindi ito nagustuhan ni Mikee kaya naglabas siya ng saloobin. Aniya, nasaktan siya sa post ng manager at humingi ng respeto para sa kanilang mag-asawa.

“Mam masakit at nakakadismaya naman. Hindi lang patungkol kay Alex ang inyong sinulat, tungkol ito sa amin mag-asawa.

“Kaya hinihingi ko ang inyong pag-respeto. Huwag po kayong gumawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon lalo’t hindi niyo naman alam ang totoong pangyayari. Salamat,” ani Mikee.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …