Monday , May 5 2025

DOTr, OTS in bad faith vs MIAA employee

BULABUGIN
ni Jerry Yap

HINDI kaiga-igaya ang karanasan ng isang empleyado ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa kanyang pagtupad sa tungkulin.

                Dahil sa kanyang matapat na paglilingkod at pagtupad sa tungkulin laban sa mga ilegalista at kriminal, siya ngayon ay nahaharap sa isang mapanlinlang na asunto.

                Noong una, naisalang siya sa isang virtual meeting na buong akala niya’y hihingan siya ng ulat kaugnay ng mga nasakote nilang kapwa kawani sa gobyerno (kapatid na ahensiya) sa ilalim ng Department of Transportation (DOtr) na gumagawa ng kaaliwaswasan, pero imbes purihin ng mga bossing, siya ngayon ay naiipit sa asuntong nadamay pa ang mga tagatala ng kaganapan.

                Upang proteksiyonan ang kanyang ahensiya at ang sarili, unang naghain ng asunto ang empleyado ng MIAA.

Pero isang araw, ipinatawag siya ni DOTr Secretary Art Tugade. Mula sa Airport ay dali-dali siyang lumuwas sa Maynila, dahil patawag ng boss tsip.

Heto na, pagdating doon, naroon ang respondent sa kanyang asunto. Pero imbes malinawan ang pangyayari, inutusan o hinimok siyang iatras ang kaso. For harmonious relationship daw sa loob ng NAIA.

Madaling kausap si MIAA employee, dahil ang layunin naman niya ay kaayusan sa loob ng kanilang hurisdiksiyon.

So, parang all’s well that ends well

Pero, wait… WOW mali pala! E kasi isang araw, bigla na lang siyang nakatanggap ng subpoena na mayroon siyang asunto.

At nang kanyang buksan ang sobre ng subpoena, inasunto siya ng DOTr employee na kaharap niya noon sa tanggapan ni Sec. Tugade para iatras niya ang kanyang demanda.

Wattafak!

Matapos niyang iatras ang demanda, siya naman ngayon ang idinemanda at idinamay pa ang mga nagtala ng kaganapan.

Hindi ba’t maliwanag na ‘in bad faith’ ang ginawa ng tao ninyo Sec. Tugade?

Buong akala noong taga-MIAA e okey na dahil si Secretary Tugade ang kaharap niya, at kausap niya. E ano ito, bakit siya naman ang inasunto?!

Mukhang hindi ganoon kaastig si Secretary Tugade sa kanyang mga empleyado. Hindi pinakikingan ang kanyang boses at utos.

                Tsk tsk tsk…

                Secretary Tugade, parang tinanggalan kayo ng mukha ng empleyado o opisyal ninyo na matapos mo silang pagharapin ‘e ganyan ang iginanti sa iyo…

                Naku, ganyan ba sa tanggapan ng DOTr? Kahit nababastos o binabastos ang  kalihim, e ayos lang?!

                Ano bang birtud mayroon ang balat sibuyas na si Ms. Petite, bakit kayang-kaya niyang ipahiya si Secretary Tugade?!

                Pakisagot na nga po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Marikina Federation of Public School Teachers

‘Mga guro kami at ‘di kasangkapan ng politika’ — Marikina Federation of Public School Teachers

MARIIN naming kinokondena ang iresponsableng ulat na lumabas sa isang news website na gumamit ng …

Trabaho Partylist

Para sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon at Bulusan
TRABAHO PARTLIST, NANAWAGAN NG CALAMITY LEAVE

MATAPOS ang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, nanawagan ang TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, …

Win Gatchalian

Gatchalian: DILG hinimok bumuo ng local literacy councils para sa mas epektibong literacy programs

NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na …

Makati Taguig

Taguig ‘di tinanggihan naudlot na P200-B Makati subway project — Cayetano

BINIGYANG-LINAW ni Senador Alan Peter Cayetano na kailanman ay hindi tinanggihan ng pamunuan ng Taguig …

Yanna Vlog LTO Road Rage

Sa Zambales road rage
Motorcycle vlogger inisyuhan ng LTO-SCO

INISYUHAN ng Land Transportation Office (LTO) ng ‘Show Cause Order” (SCO) ang isang sikat na …