Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Di masisisi ang nagsialisang nurses

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

SA HULING update, sinabi ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPi) na 40 porsiyento ng kanilang nurses ay nagsipag-resign na sa kasagsagan ng pandemya. Hindi natin sila masisisi. Ginawa ng mga nurses ang kanilang tungkulin sa mga maysakit, pero sa kabila ng matinding pagod, kakaunti pa rin ang kanilang kinikita para sa kani-kanilang pamilya, na delikado rin sa hawaan ngayong may pandemya.

Mas malala pa ang sitwasyon ng mga nurses sa mga ospital ng gobyerno. Karamihan sa kanila ay hindi lang iisang beses nahawaan ng virus na hindi sinasadyang naiuwi pa nila sa kani-kanilang mga pamilya. Kasabay nito, sangkatutak ang palusot ng gobyerno upang pagtakpan ang kabiguang maibigay ang allowances nila. Kahiya-hiya na mismong ang regional director na ng World Health Organization (WHO) Western Pacific ang nanawagan sa ating gobyerno na pagkalooban ng kinakailangang suporta ang ating mga healthcare workers.

Sa ngayon, 75,000 nurses ang nagtatrabaho pa rin sa mga pampubliko at pribadong ospital para mapagtagumpayan ng bansa ang laban kontra CoVid-19. Dahil sa pandemya, naglilingkod sila sa ilalim ng kaawa-awang kalagayan, nagdu-duty nang sobra-sobra sa kanilang shift, at kinakailangan magsuot ng diapers upang hindi na gumamit pa ng banyo sa maghapon.

Nasa 109,000 pang nurses ang kailangan upang may tatao sa mga nurse stations sa mga ospital sa bansa, pero kahit pa nabakunahan na – sino ang makapagsasabing ligtas sila? Bagamat likas sa ating mga nurses ang kagustuhang maglingkod, alam nilang ipinapain lang nila ang kanilang sarili sa panganib nang walang kaukulang suporta at proteksiyong labis nilang kinakailangan.

Kaya naman hindi ko pupunahin ang gobyerno sa pagpayag sa 5,000 nurses natin na humanap ng trabaho sa ibang bansa ngayong taon. Isa iyong oportunidad para mapaginhawa nila ang sitwasyon ng kani-kanilang pamilya rito ngayong panahon ng krisis at, siyempre pa, makapag-aambag sila sa ating ekonomiya.

Ngunit ang pakinabang ng pagpili nila sa mas malaking kita ay hindi magagawang tumbasan ang kaawa-awang sinasapit ng mga miyembro ng kanilang sektor na naiwan dito na nasosobrahan na sa trabaho pero kapos na kapos ang sinusuweldo. At dahil dito, dapat managot ang gobyerno sa hibang nitong kabiguan na matiyak ang mga benepisyo ng ating mga healthcare workers.

Hindi sapat ang magtirik ng isang multi-milyong pisong memorial bilang pagbibigay-pugay sa walang sawang serbisyo ng mga healthcare workers sa mga kababayan nating nahawaan ng CoVid-19. Saang panig man ng mundo sila magtungo, ang ating mga nurses ay paulit-ulit na kikilalanin bilang mga bayani. Ang kaibahan lang, irerespeto ng ibang bansa ang karapatan nilang magkaroon ng maayos at disenteng pagkakakitaan.

*              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …