Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Enzo Oreta, bagong manok ng pamilyang Malabonian

BULABUGIN
ni Jerry Yap

BAGONG-BAGO ang panlasa at manok  ng pamilyang Malabonian.

‘Yan ay matapos maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) si Konsehal Jose Lorenzo “Enzo” Oreta para sa pagka-alkalde sa bayan ng Malabon.

Sa murang edad na 31 anyos, naglakas loob at buong tapang na naghain ng kandidatura si Enzo. Naging SK Chairman at matagal na Konsehal ng lungsod si Enzo at nais niyang ipagpatuloy ang mga nasimulan niyang proyekto sa pagsulong at pag-asenso ng kanyang mga kababayan sa naturang lungsod.

Sa paghahain ng nakababatang Oreta ng kanyang COC, kasama niya ang kanyang buong line-up ng mga kandidato mula sa una at ikalawang distrito ng lungsod.

Ang kanilang grupo ay tumakbo sa tinaguriang Team Pamilyang Malabonian.

Bago maghain ng COC si Oreta ay nagsimba muna upang humingi ng lakas at patnubay sa Poong Maykapal at agaran siyang nagtungo sa Multi-purpose Hall ng Brgy. Catmon upang maghain ng kanyang COC.

Dito ay malugod siyang sinalubong ng kanyang mga tagasuporta o mga “Kaasenso” mula sa iba’t ibang sektor na bumubuo ng Proud Malabonian Movement.

At kung ating matatandaan, ang naturang grupo o koalisyon ay inilunsad ng iba’t ibang sektor mula sa transport, workers, institutions, special needs, at family cluster noong 25 Setyembre. Nanawagan sila kay Oreta na tumakbo bilang mayor sa darating na halalan upang ituloy ang pag-asenso ng Pamilyang Malabonian.

Narinig ni Oreta ang panawagang ito at kanyang tinanggap ang hamon ng Proud Malabonian Movement at ng iba pang mga “Kaasenso.”

At dahil sa pagnanais ni Oreta na magpatuloy ang pag-asenso ng kanilang lungsod kung kaya’t siya ay tumakbo.

Siya nga pala, ang katuwang o bise-alkalde ni Oreta ay si tinaguriang Ninong Dela Cruz at si Jaye Lacson-Noel bilang kinatawan ng lungsod sa Kongreso.


ANG ‘SQUID GAME’
NG MGA POLITIKONG
SEGURISTA

UMATRAS ang ‘tatay’ na si Pangulong Rodrigong Duterte na hinalinhan ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go bilang bise presidente, habang ang dating isinusulong na mag-presidente si Mayor Inday Sara ay naghain ng kandidatura bilang Mayor sa Davao City.

Habang si Senator Manny Pacquiao na binakbakan ng PDP Laban Cusi faction ay naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) bilang presidente sa ilalim ng Progressive Movement for the Devolution of Initiatives (PROMDI).

Agad ‘pinatalsik’ nina Cusi at Matibag si Pacquaio dahil malinaw umano na inabandona niya ang partido.

Pero sabi ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III, walang nilalabag si Pacquiao sa Konstitusyon ng PDP Laban.

Ani Sen. Koko, “the party’s national executive committee passed Resolution No. 12, effectively allowing Pacquiao to use PROMDI’s certificate of nomination and acceptance in filing his candidacy.

“Everything is normal and in order per our party constitution.”

“[It is] so easy to explain. Cusi+Matibag do not know the facts,” diin ni Pimentel.

Tsk tsk tsk…hanggang ngayon, ang paksiyon ni Cusi sa PDP Laban ay walang pinatatakbong presidente.

Ang mabilis na pagpapatalsik kay Pacquiao ay tila nangangahulugang ang endorsement ng partido ay nakalaan lamang sa iisang tao — kung sino man ‘yun si Cusi at Matibag lang ang nakaaalam.

By the way, pinuna nga pala ni Senator Koko kung bakit pinayagan ng PDP Laban Cusi faction ang paghahain ng kandidatura ni Senator Bong Go bilang bise-presidente nang walang public and formal nomination mula sa kanilang grupo.

“They have filed a COC with Senator BG for VP without any formal and public nomination from their group. What is happening to their group?” tanong ni Pimentel.

“Don’t they coordinate at all? Don’t they observe any formalities at all? Are they a group of people who just change their minds in an instant and then that is already the group’s decision?” mariing tanong ng Senador.               

Pero bukod kay Senator Koko, naniniwala ang mga kritiko ng Duterte group na gaya lang ito ng taktikang ginamit nila noong nakaraang eleksiyon. Gagamitin pa rin nila ang taktikang “substitution.”

Ganoon din ang paniniwala ng kanilang supporters, alam na alam nilang panlalansi lang ang ginagawa ng Duterte group pero sa huli’y babalandra ang kanilang presidential bet.  

Para lang silang mga karakter sa kinahuhumalingang Netflix series na “Squid Games” na patuloy na manlalansi at maggugulangan upang sa huli’y magtagumpay.

Pero ang magiging pinakamalaking hangal at tunay na napasakay sa kanilang ‘squid game’ ay walang iba kundi ang sambayanang laging umaasa na mayroong isang pinunong magsasalba.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …