Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Christine Bermas, Chloe Barreto

Christine Bermas mas palaban kay Chloe Barreto

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

PANAHON ‘ata ito ng mga baguhang nananalaytay ang dugo ng artista sa kanilang mga ugat.

Gaya ni Andre, sumabak na sa teleserye si Jake Ejercito

At dito sa bagong proyekto ng 3:16 Media Network nina Len Carillo at Meloy Uy, magkakaroon ng pagkakataon sina Jolo Estrada at Gigo de Guzman na mabigyan ng mahahalagang eksena ni direk Joel Lamangan sa launching movie ni Christine Bermas, sa Moonlight Butterfly na mula sa iskrip ni Eric Ramos.

Sino ba si Jolo? At si Gigo.

Naunang nag-artista kay Jolo ang kapatid na si Julian. Mga anak sila nina Precy at Senator Jinggoy Estrada.

Nang makita ko sa storycon ng Moonlight Butterfly si Jolo, sabi nga niyo eh, siya na ang magtutuloy ng iniwan ni Julian na abala na sa ibang bagay ngayon.

Si Gigo ang anak ng yumaong singer na si Claire dela Fuente. Na siya ngayong namamahala sa restaurant nila sa Dampa sa Macapagal Avenue. At nasa management na rin pala siya ng 3:16 Media Network. May background naman sa Teatro si Gigo. At aminadong hindi niya namana ang husay sa pagkanta ng ina. At madalas nga nilang biruan noong araw eh, ang pagiging sintunado niya.

Pareho nilang nilu-look forward ang pagtatrabaho with direk Joel and of course, Christine na bagong tatalupan sa mga bigay na eksenang aasahan sa kanya.

Ang leading men ni Christine ay sina Albie Casiño at Kit Thompson.

Dahil sa pangangailangan ng pampagamot sa inang nagda-dialysis, ang matalinong karakter ni Christine na si Eunice ay magmu-moonlight bilang isang prosti sa Angel Fields ng Angeles.

May love story na iikutan ang buhay nito. Isang sundalo na itinalaga sa giyera sa Iraq. At ang darating sa buhay na lider naman ng grupo ng mga terorista.

Love in a time of war.

Pero may kakaibang twist ang hinabing istorya ni Eric. Papasok ang espionage at spy thriller na tema habang umiikot sa pag-ibig ni Eunice sa dalawang tao. Kanino niya ipagkakatiwala ang puso niya at paano siya lalaban at pipili sa magkaibang prinsipyo ng mga ito?

Ang sabi tuloy ni direk Joel sa tanong kung may dapat ba ikatakot sa kanya ang mga artista niya lalo na ang mga baguhan, “Hindi ako terorista! Hindi ako nagagalit ng walang dahilan. Pagdating ng panahon, maririnig mo pa sila na nagpapasalamat sa akin. Bakit? Kasi, tumanggap na ng award. Kaya hindi naman krimen ang may mapagalitan ka o mapagsabihan para na rin maitama ang mga trabaho nila. Ang pelikula namin ang may tema tungkol sa terorista na kapirot lang dahil ang katauhan ni Christine ang sentro nito.”

Sunod sa health protocols, matapos na sumailalim na sa kanilang swab tests ang  cast and crew, lalarga na sila pa-Angeles sa mismong araw ng pagsilang ni direk para sa aabangan ng mga eksena sa Moonlight Butterfly.

Kasama rin sa cast sina Tanya Gomez, Hershie de LeonIvan Casapiet, at Quinn Carillo.

After Chloe Barreto, eto na naman ang isa pang Belladonas na mas palaban!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …