Saturday , November 23 2024
PCOO troll employees money

Records ng 1,479 PCOO workers ipinalalantad ng mga senador (Suspected to be trolls)

BULABUGIN
ni Jerry Yap

NAHAHARAP sa malaking dilemma ang Presidential Communications Operations Office (PCOO), ngayong hinihingi ng mga senador ang records ng 1,479 contract of service employees ng ahensiya sa hinalang sila ay nagtatrabaho bilang internet trolls.

Kahit ilang beses itinanggi ng PCOO officials na hindi sila nag-aalaga ng “troll farms” hinihingian pa rin sila ng records ng Senado at ng matibay na basehan para patunayan na hindi ‘trolls’ ang mga ‘inarkila’ nilang empleyado.

Mabagsik ‘yung statement ni Senate Minority Leader Franklin Drilon: “S’yempre, hindi mo aaminin, Usec. [Kris] Ablan na may troll kayo.”

        Arayku!

        Hindi kaya parang sinampal si Undersecretary Kris Ablan sa sinabi ni Senator Drilon na lumatay sa mukha ni PCOO chief, Secretary Martin Andanar?

        Nakasalang po kasi ang PCOO sa briefing ng subcommittee para sa proposed 2022 PCOO budget.

At dahil matigas ang pagtanggi ni Usec. Ablan na sila ay may ‘troll farms,’ hiniling ni Senator Drilon na isumite ang pangalan, addresses, educational attainments, at job descriptions ng 1,479 contract of service employees.

Habang si Senator Nancy Binay ay hiniling ang kanilang daily time records.

Muling nagmatigas si Usec. Ablan pero wala siyang nagawa nang igiit ng mga senador na ang hinihingi nila ay public records.

“You are asking for appropriation of public funds. We have the right to know how you use these public funds and as part of our right to know is to make sure that these are not fictitious names, that the names are performing their jobs, even if they are trolls, we will accept that as long as they are legitimate and existing,” diin ni Drilon.

        Oo nga naman!

        Pero may isa pang nakapagtataka, bakit daw umupa ng contractual employees gayong mayroong 1,776 vacant plantilla positions?

        Sabi ni Usec. Ablan, tinatrabaho umano nila ang pagkuha ng mga regular employees, pero ang contract of service employees ay mga highly technical jobs.

Maging si Senator Imee Marcos humirit ng impormasyon ng 1,479 contract of service employees.

Whoa, ang dami niyan!

“What are the projects and job descriptions of these employees that are so technical and so specialized that no permanent government employee can possibly perform them?” mariing tanong ni Senadora Imee.

        By the way, ang PCOO nga pala ay naghain ng panukalang P2.09 bilyong budget para sa 2022, kabilang dito ang mga pondo para sa kanilang attached government-owned and controlled corporations gaya ng People’s Television Network, at ng Incorporated and Intercontinental Broadcasting Corporation.

        Malaki na namang budget ‘yan! Kaya dapat lang ang ginagawa ng Senado na busisiin ang PCOO kung saan napupunta ang pondo nila.

        Ano ang ginagawa ng kanilang mga opisyal lalo ng mga undersecretary na puro kuda lang walang gawa — si Undersecretary Badoy, nahahaling pa rin ba sa walang katapusang red tagging?

        Suhestiyon lang po, Secretary Andanar, ipagawa ninyo sa mga undersecretaries ninyo ‘yang hinihingi ng mga Senador sa inyo, para naman hindi masayang ang pasuweldo sa kanila ng buwis ng mamamayan.

        Excited na rin ang mainstream media na makita ‘yang mga records ng PCOO, gusto rin kasi nilang malaman kung sino-sinong taga-media ang naka-payroll diyan.

        Ay sus!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Anne Manalo, hinirang bilang Natatanging Kabataang Bulakenyo

LUNGSOD NG MALOLOS – Iginawad ang prestihiyosong Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award kay Chelsea Anne …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *