Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Headphone, call center agent

Call center agent, natagpuang patay

PATAY nang matagapuan ng kanyang ina ang isang call center agent matapos makipag-inuman sa mga kaibigan sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, nadiskubre ang walang buhay na katawan ni Armando Escaño, 30 anyos, ng kanyang ina na si Mila, 56 anyos, nakadapa sa kanyang kama sa loob ng kanilang bahay sa VMN Compound, Brgy. Potrero dakong 2:00 am.

Sa salaysay ni Mila sa pulisya, huli niyang nakitang buhay ang biktima bandang 1:00 pm habang nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan.

Dinala sa Northern Police District (NPD) Crime Laboratory ang bangkay para sa autopsy examination upang matukoy kung ano ang ikinamatay dahil wala naman nakitang injury sa kanyang katawan.

Sinabi ni Col. Barot, patuloy na iniimbestigahan ang insidente “pending the result of the autopsy examination.”

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …