Saturday , December 21 2024
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

Panlilibak

TAYANGTANG
ni Mackoy Villaroman

KUNG ano ang amo, iyon din ang alagad.

Ito ang nakikita natin sa mga tauhan ni Rodrigo Duterte. Iisa lang ang estilo nila. Bastos at walang pakundangan sa batas.

Ito ang nakikita natin sa ginagawang Senate investigation sa Pharmally na dawit mismo si Duterte. Ginagawa ang lahat para sagipin ang mga paratang laban sa mga Tsinong si Michael Yang at mga kasapakat niya.

Ang babala ni Ombudsman Samuel Martires, ipakukulong hanggang limang taon ang sinomang humingi ng SALN ng presidente o opisyal ng pamahalaang Duterte; at ang paninigaw at pambabastos ni Harry Roque sa presidente ng Philippine College of Physicians.

Heto ang pinakasariwang kaganapan sa Bayang Sinilangan, na sa totoo lang ay nakauumay na.

Ginagamit ang ECQ na pangkontrol sa mga mamamayan. Wala sa kanila ang pandemya. Hindi ito ang dahilan kung bakit pinipigil ang galaw ng tao. Sa gobyerno ni Duterte kasangkapan ito para manupil ng oposisyon sa kanila.

Napakasama na ginagamit ang pandemya para kumita. At ang IATF, na dapat maging timon para maitawid nang maayos ang bansa, sa halip ay pinagkakakitaan ni Duterte at mga kasapakat niya mula sa pamahalaan at sa amo niyang Tsina.

Isa na tayong ‘police state’ na kapag umangal o lumabag ay puwede na tayong sampahan ng kaso, o bigla na lang mawala. Iyan ang kalalagayan natin sa ilalim ng rehimen ng baliw at kapit-tuko sa kapangyarihan.

Marami na ang nagigising sa katotohanan na walang kuwentang lider si Rodrigo Duterte. Wala na siyang ipinag-iba, bagkus, humigit pa sa diktador Ferdinand Marcos na inilagay ang bansa sa ilalim ng batas militar at nilimas ang kaban ng bayan sa loob ng dalawang dekada.

Pero tuso man ang matsing nalalamangan din. Hindi hamak na wala sa kalingkingan ni Marcos ang karakas niyang si Duterte.

Bakit nga ba?

Bobo siya.

Hindi niya kayang tapusin ang sinasabi niya. Kaya ang spooksman niya ang nagkakandarapa sa paliwanag at hyper-bola. Wala ito.

Maging ang lingguhang paglabas niya sa telebisyon na imbes magbigay ng update tungkol sa pandemya, ay inilalaan sa pag-atake at panlilibak sa mga taong hindi ayon sa kanya. Maging ang mga dating kaalyado sa Senado, katulad ni Dick Gordon at Mane Paquiao ay dumistansiya na dahil sila ay may balak na sumabak sa eleksiyong pampangulo sa 2022. Bagaman, huwag nating kalimutan na sila ay naging kasapakat. Kaya magnilay nang mabuti sa araw ng eleksiyon.

Pansinin natin ang mga dating nakatabi sa baliw ay unti-unting nangawala. Ayaw nilang madawit sa oras ng paghuhukom. Ayaw nilang maisama sa mga alyado. Ngayon dalawang klaseng tao na lang ang naniniwala kay Duterte; ang mga nakikinabang katulad ni Francisco Duque III, Carlito Galvez, Jr., et al, at ang mga baliw.

Sa nagisnan nating suwag sa kanya ni Dick Gordon, masasabi natin na ang mga daga ay tumatakas, dahil lumulubog na ang barko. May araw din ang mga katulad nila, dahil hindi sila makaiwas sa paparating sa kanila. Pasensiyoso ang mga Filipino, minsan sobra nga sa pasensiya, pero kapag napuno, magtago na kayo sa pinanggalingan ninyo dahil pati buto ninyo ay dudurugin at tulad sa alabok na pinanggalingan ninyo mawawala kayo.

Bilang mamamayan at nagbabayad ng buwis, hindi dapat tayo ginaganito. Kailangan natin ng pangulong tapat sa Saligang Batas, may malasakit sa taongbayan, at hindi kasapakat ng sinuman.

Katulad ni Marcos isa lang ang iginuhit sa palad ng tadhana. Ang maalis siya at kamuhian ng mga Filipino hanggang sa mga susunod na henerasyon.

MGA PILING SALITA

Maricar Limpin (President Philippine College Of Physicians): “If Secretary Roque can do this to us doctors, what more for other people?”

Ba Ipe: “They’re in war freak mode. Rodrigo Duterte is angry at Dick Gordon, who is taking him on war footing. But all we could do is to let them slash each other’s throat. Maglaslasan kayo ng lalamunan. Harry Roque provides the sideshow by allegedly castigating the frontline health workers. But he meets his comeuppance with many organizations and netizens, who have engaged in negative campaign against his possible inclusion in the International Law Commission. The Commission has no choice but to look into the opposition of many netizens and organizations against Roque. He won’t win even as the village dogcatcher. Kahit tagasilo ng mga ligaw na aso sa barangay, hindi mananalo si The Queef. Lalaslasin ang lalamunan niya nang hindi niya mamamalayan.”

[email protected]

About Mackoy Villaroman

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *