Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Shaine Vasquez

Shaine Vasquez, game magpasilip ng alindog sa pelikula

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

TAKAW-PANSIN ang lakas ng dating ng newcomer na si Shaine Vasquez. Bukod kasi sa sexy, maganda ang aktres na isang Viva contract artist.

Hindi naman ito kataka-taka dahil bago sumabak sa mundo ng showbiz, si Shaine ay isang beauty queen. Siya ay naging Miss Global Philippines 2017, Miss Turismo Filipina 2018, at Miss Fashion World International 2019.

Mapapanood siya very soon sa pelikulang Shoot! Shoot! ‘Di Ko Siya Titigilan! sa October 8, 2021, sa Vivamax. Tampok dito sina Andrew E., AJ Raval, Sunshine Guimary, Juliana Parizcova Segovia, Wilbert Ross, at iba pa, sa direksiyon ni Al Tantay.

Ano ang role niya sa pelikulang ito? Aniya, “One of the sexy girls po sa movie.”

Paano siya napasok sa showbiz? “After ko po manalo ng international pageant ay in-interview po ako sa Viva and nag-sign na rin po ako ng contract sa kanila.

“Bale last year po ako nag-start sa showbiz, kaso ay nagka-pandemic… so ngayon pa lang po ako nakagawa ng mga project.”

Ngayong uso ang sexy movies, game ba siyang magpa-sexy sa pelikula?

“Yes po, but not so sexy,” matipid na sagot niya.

Hanggang saan ang limitations niya, kung sakali? “No to nude po, pero kung sexy lang like magsusuot ako ng two piece bikini at magkakaroon ng kissing scene, okay lang po iyon sa akin,” nakangiting wika ni Shaine.

Ano ang masasabi niya kina Direk Al Tantay at Andrew E?

“Si Direk Al po, on the spot po siya kung magbigay ng scene and script and hindi po mahirap ka-work. Si sir Andrew naman po, sobrang bait and cool… nagtuturo rin po siya sa pag-acting sa akin, kumbaga, inalalayan niya po ako sa movie. “Actually, lahat naman ng artists na nakaka-work ko, inaalalayan po ako dahil baguhan pa lang ako.”

Ang iba pang pelikulang nagawa ni Shaine ay ang Pakboy Takusa, Encounter, at ang Deception ni Direk Joel Lamangan. Tampok dito sina Claudine Barretto, Mark Anthony Fernandez, Gerald Santos, Sheree, Chanda Romero, Miggs Cuaderno, at iba pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …