Thursday , December 19 2024
home school, remote schooling, learn from home

Kabataang Pinoy nahaharap sa ‘learning crisis’ sa ikalawang taon ng remote schooling

MANILA — Sa pagtanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panukala para sa pagbubukas muli ng mga primary at secondary schools sanhi ng pangamba na mahawaan ng CoVid-19 ang mga kabataan at ang mga nakatatanda, pinanatiling nakasara ng pamahalaan ang in-person classes simula nang magkaroon ng pandemyang.

Nananatiling tahimik ang mga silid-aralan habang milyong mga kabataan ang nagsimula sa kanilang online classes sa kani-kanilang tahanan kaya nangangamba ang mga eksperto na maaaring magkaroon ng ‘educational crisis’ sa bansa.

Noong Oktubre ng nakaraang taon, inilunsad ang ‘blended learning’ program na may online classes, printed materials at lessons broadcast sa telebisyon at social media, ngunit pinutakte ng iba’t ibang problema: karamihan ng mga mag-aaral sa bansa ay walang magamit na computer o wala rin internet sa kanilang bahay.

Mhigit sa 80 porsiyento ng mga magulang ay nag-aalala sa kanilang mga supling na “hindi gaanong natututo,” ayon kay Isy Faingold, ang education chief ng United Nations International Educational Fund (UNICEF). 

Sa pagtukoy sa isinagawang pag-aaral kamakailan, sinabi ni Faingold na ang “distance learning ay hindi maaaring itumbas sa in-person learning.”

“There was already a learning crisis before CoVid-19… it’s going to be even worse,” babala niya.

Batay sa datos mula sa Organization for Economic Cooperation and Development (OECD), ang mga kabataan sa bansa ay may kakulangan sa husay sa pagbabasa, matematika at agham.

Ang karamihan ay dumadalo sa mga pampublikong paaralan, na may malalaking klase, outdated na pamamaraan ng pagtuturo, kakulangan ng investment sa basic infrastructure tulad ng mga kasilyas, at kahirapan, ang sinisisi dahil sa mahinang performance ng mga estudyante.

Bumagsak ang enrolment sa 26.9 milyon para sa school year 2020 at ngayon bago pa man magsimula ang mga klase kamakailan, ito’y bumababa pa ng limang milyon, nangangamba si Faingold na maraming mag-aaral ang “hindi na makababalik.”

Ngunit umaasa siyang sa mga susunod na araw ay tataas ang enrolment.

Sa isang pahayag, sinabi ni University of the Philippines education professor Mercedes Arzadon, ‘ridiculous’ umano na panatilihing nakasara ang mga eskuwelahan habang ang ibang bansa, kabilang ang virus ravaged na Indonesia, ay nagpapakita ng posibilidad na maaaring magbukas muli nang ligtas para sa mga kabataan.

“Our youth’s future and well-being are at stake, and so is national development,” punto ni Arzadon. (TRACY CABRERA) 

About Tracy Cabrera

Check Also

Makapili Vlogger

Makabagong makapili, trolls, vloggers tinira ni Barbers

KINONDENA ng isang kongresista mula sa Mindanao ang tinagurian nitong “Makabagong Makapili” o mga Pinoy …

Mary Jane Veloso

OFW Mary Jane Veloso nakauwi na sa bansa

NAKAUWI na sa bansa ang napiit na overseas Filipino worker (OFW) sa loob ng 14 …

121924 Hataw Frontpage

Meralco franchise kapag ‘di naamyendahan
PRESYO NG KORYENTE SA PH SISIRIT PA

MAHIGPIT na nanawagan ang isang consumer rights advocate sa Senado na baguhin o amyendahan ang …

Chavit Singson VBank

VBank inilunsad ni Manong Chavit

PORMAL nang inilunsad ni senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson ang VBank digital bank, isang …

121924 Hataw Frontpage

Sigaw ng labor at health workers  
HERBOSA SIBAKIN, PHILHEALTH SUBSIDY IBALIK

HATAW News Team ISANG malaking kilos protesta ang inilunsad ng isang koalisyon ng labor groups, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *