Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bikini Girl

Naka-bikining pasahero nag-viral sa social media

Kinalap ni Tracy Cabrera

NEW YORK CITY — Isang airline passenger ang nag-viral sa social media makaraang makita siyang nakasuot ng bikini habang naglalakad sa isang airport sa New York City.

Dangan nga lang ay nakasuot ng face mask ang nasabing pasahero sa pagsunod umano ng alituntunin sa mga air traveler na kailangang magsuot ng protective gear sa gitna ng nagpapatuloy na coronavirus global pandemic.

Isang footage ng babaeng pasahero habang naglalakad sa airport ang ini-upload sa social media ng account na Humans of Spirit Airline at habang naglalakad, makikitang tinitingnan niya ang kanyang mga ticket na hindi man lang namamalayan ang mga tingin sa kanya ng ibang pasahero na namangha sa ‘kakulangan’ ng pananamit.

Ang nabanggit na video footage, may titulong “When you have a pool party at noon and a Spirit airlines flight to catch at 4:00 in the afternoon” ay napanood nang libo-libong beses ng netizens sa buong mundo.

Pahayag ng may-ari ng account sa kakaibang suot ng babae: “At least she’s wearing a mask.”

Ayon sa United States Federal Aviation Administration (FAA) lahat ng air passenger na higit sa edad dalawang taon ay kinakailangang magsuot ng facemask saanmang US airport o dili kaya ay nasa flight. Pinalawig ang FAA rule na ito hanggang buwan ng Agosto at ang mga manlalakbay na lalabag dito ay maaaring patawan ng multang aabot sa US$250 hanggang US$1,500.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …