Sunday , December 22 2024

Bagong estratehiya vs CoVid-19

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

SIMULA bukas, papalitan na ng gobyerno ang estratehiya nito sa pagkontrol sa hawaan ng CoVid-19. Kontra sa pinakamabangis sa lahat ng CoVid variants – ang “Delta,” ipapahinga na ng mga tumutugon sa pandemya ang “complete-lockdown formula” ng ECQ o enhance community quarantine.

Dahil sa “solusyong ECQ,” maraming negosyo ang nagkandalugi at dumami pa ang mga Filipino na nawalan ng trabaho. Bukod dito, ang ayuda para sa mga pamilyang nananatili lang sa bahay ay halos sumaid na sa pambansang budget.

Kapalit nito, ipatutupad ang ‘granular lockdowns’ sa Metro Manila upang subukan ang ideya ng pagtatakda ng limitasyon sa paglabas-labas batay sa rami ng kaso sa kada lugar – kahit pa iyon ay kalye, subdibisyon, barangay, o isang buong siyudad. Sa pamamagitan nito, ang aktibidad na pang-ekonomiya ng isang siyudad, halimbawa, ay hindi mapeprehuwisyo ng paglobo ng mga kaso sa ilang mga barangay nito.

Hindi naman bago ito para sa Quezon City, na nagawa nang “simulan” ang estratehiyang ito. Kinompirma ng butihing alkalde, si Joy Belmonte, ang pagiging epektibo nito sa pagkontrol sa hawaan ng CoVid-19 sa isang partikular na lugar.

Sa kasalukuyan, pataas ang reproduction rate, at ang araw-araw na bagong kaso ng CoVid-19 ay tinatayang aabot sa 30,000 sa pagtatapos ng buwang ito. Sakaling maging epektibo ang bagong quarantine strategy na ito sa Metro Manila – ang sentro ng hawaan – umasa tayong hindi aabot ang bansa sa ganoon kalaking bilang hanggang sa 30 Setyembre.

Samantala, mayroong 50 milyong doses ng bakuna ang gobyerno sa ngayon at dapat na ubusing lahat ang supply na ito bago muling magdatingan sa bansa ang mahigit 50 milyon pang doses sa susunod na buwan.

Bagong estratehiya na rin lang ang usapan, sumasang-ayon ako sa Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) na dapat payagan ng mga awtoridad ang pagpapabakuna sa mga gustong agad maturukan kahit na hindi sila kabilang sa kategorya ng mga pangunahing prayoridad basta matiyak lang na magagamit lahat at hindi masasayang ang mga temperature-sensitive vials vaccines.

Hindi natin sinasabing balewalain na lang ang priority list. Pero sakaling, sa alinmang dahilan, ay hindi sumipot ang mga miyembro ng prayoridad na sektor, tulad ng matatanda at mga may sakit, sa appointment nila sa pagpapabakuna, makatwiran lang na ibigay ang mga bakunang ito para maprotektahan ang malulusog na manggagawang araw-araw lumalabas ng bahay para magtrabaho at may malaking posibilidad na maipasa ang virus sakaling dapuan sila nito.

*              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *