Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest, posas, fingerprints

Notoryus na robbery duo nadakip sa hot pursuit operation sa Quezon City

ni TracyCabrera

QUEZON CITY, METRO MANILA — Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng anti-crime unit ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawa sa pinakanotoryus na mga holdaper sa lungsod sa isang hot pursuit operation matapos na biktimahin ang isang 26-anyos na binata sa Barangay Fairview.

Kinilala ni QCPD chief Brigadier General Antonio Yarra ang mga suspek na sina Eddie Advincula, 26, at Rocky Garrote, 36, parehong residente ng Bgy. Batasan Hills, na nasukol ng mga rumespondeng taauhan ng Fairview Police Station (PS 5) sa Camaro Street sa Bgy. Greater Fairview nitong nakaraang Miyerkoles ng gabi.

Sa salaysay ni PS 5 commander Lieutenant Colonel Joewie Lucas, naglalakad ang biktimang si Fitz Gerald Ebarle, at gamit ang kanyang cellular phone nang biglang sumulpot ang mga suspek saka tinutukan siya ng patalim para sapilitang kunin ang kanyang mga gamit bago mabilis na tumakas sa hindi malamang direksyon.

Agad naman nagsumbong ang biktima sa PS 5 at nang magsagawa ng hot pursuit operation ang mga pulis ay natyempuhan din sa may Fairlane St., sa Bgy. Fairview, ang dalawang magnanakaw na positibong kinilalala ni Ebarle na siyang nangholdap sa kanya.

Mabilis na pinosasan sina Advincula at Garrote at natagpuan sa kanila ang isang 10-pulgadang balisong, ang mga pag-aari ng kanilang biniktima, perang nagkakahalaga ng PhP200.00, isang barangay ID, at black converse sling bag na naglalaman ng gray na t-shirt.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …