COOL JOE!
ni Joe Barrameda
HINDI ko alam kung ano ang intensyon ni Sheryl Cruz sa walang sawang posting ng kunwari ay may romansang namamgitan sa kanila ni Jeric Gonzales.
Tuloy-tuloy ang posting sa kanyang verified IG ng mga sweet moment eksena nila ng actor sa Magkaagaw na matagal nang tapos. Kung ongoing ang Magkaagaw afternoon serye ay ok lang at promo sa nasabing serye.
Matagal nang lumipas ang Magkaagaw ay tuloy pa rin ang posting sa IG ni Sheryl na kung titingnan mo parang may namagitan nga sa kanila. Ilang beses namin biniro si Jeric na tahasan niyang sinabi na wala silang naging relasyon at walang panliligaw na nangyari.
Finally, sa sobrang iritasyon ng aktor ay nagsalita na siya tungkol sa isyu. Sinabi niya sa zoom presscon ng Daig Kayo Ng Lola Ko Capt Barbie na walang ligawang naganap at walang kahit anong relasyon maliban sa magkasama sila sa serye.
Wala rin namang mga post si Jeric tungkol dito at puro kay Sheryl nanggagaling. Kaya iniisip ng iba na patay na patay si Sheryl kay Jeric. Akala tuloy ng iba may relasyon ‘yung dalawa. Paano pa makapanliligaw si Jeric kung tila pinalalabas ni Sheryl na may relasyon sila ni Jeric? Hay naku.