Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta
Sharon Cuneta

Sharon gusto muling gumawa ng movie — Kahit ako na ang magpo-produce

HATAWAN
ni Ed de Leon

SINABI ni Sharon Cuneta na ngayon ay parang gusto niyang gumawa ng sunod-sunod na pelikula. Kaya gamit ang iba’t ibang hashtags, tinawagan niya ang mga director na nakatrabaho na niya at parang nanawagan sa tatlong film companies, ang  Regal, Viva, at Star Cinema.

Tapos dinugtungan pa niya ng, ”kahit ako na ang mag-produce.”

Hindi namin maintindihan kung bakit. Ilang linggo lang ang nakararaan, ipinagmamalaki niya sa kanyang social media account na ang isang pelikulang indie na ginawa niya ay number one grosser sa isang internet platform. Kung ganoon at kumita nga ng malaki, dapat sundan agad iyon ng project ng producer. Kung kami halimbawa ang producer niyon at kumita nang ganoon, ipatitigil muna namin ang ibang projects at gagawa kami agad ng follow up, eh naging hit eh. Papayag pa ba kami na makagawa siya ng hit sa iba? Pero wala ngang announcement ng follow up project. At ngayon sa kagustuhang makagawa ng pelikula, balak niyang siya na rin ang mag-produce ng kanyang pelikula. Pero napapanahon pa ba?

Para rin iyan iyong ginawa niyang concerts, ang laki raw ng kita, bakit hindi sinundan ng iba pang concerts kahit na sabihin mong maliit lang. Bakit hindi siya pagawain ng concert kahit na sa internet kagaya ng ginawa ni Sarah Geronimo? Sayang ang earning potentials at talent ni Sharon kung napapatunayan naman niyang siya ay nananatiling isang malaking hit hanggang ngayon.

At saka iyong tono ng statement niya, ”kahit ako ang mag-produce” makagawa lang ng pelikula. Samantalang noong sunod-sunod na hit si Sharon, ni hindi mo mahihiram iyan para sa isang pelikula.

Pagkatapos kasi ng isa, tatlong bagong scripts na ang hawak ni Mina Aragon para sa kasunod niyang gagawin.

Iyong Star Cinema, malaki rin naman ang kinita nila sa mga pelikula ni Sharon. Iyon nga lang tagilid sila ngayon dahil sa pagbabayad din ng mga nautang nila at sarado pa ang ABS-CBN na pinagmumulan ng pondo nila.

Pero kung totoo nga na kahit sa internet lang ay kumikita ng malaki ang pelikula ni Sharon, bakit nga ba hindi sila nag-aagawang pagawain siya ng pelikula ngayon eh gustong-gusto niyang gumawa na?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …