Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Puganteng tulak tiklo sa manhunt operation (Sa Pampanga)

HINDI nanakapalag nang masakote ng mga awtoridad ang isang puganteng nagtutulak ng ilegal na droga sa inilatag na manhunt operation nitong Linggo ng gabi, 18 Hulyo sa bayan ng Guagua, lalawigan ng Pampanga.

Kinilala ni P/Col. Arnold Ibay, provincial director ng Pampanga PPO, ang suspek na si Gerald Pantig, 22 anyos, residente sa Brgy. Bangcal, sa nabanggit na bayan.

Makaraang makompirma ang tip ng impormante hinggil sa pinagtataguang lugar ng suspek, agad sumalakay ang mga operatiba ng Guagua MPS, 1st PMFC, PIDMB, Pampanga PPO, at 302nd MC RMFB3 bitbit ang Warrant of Arrest laban sa suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na nilagdaan ni Presiding Judge Jesusa Mylene Suba-Isip Guagua RTC Branch 49, walang inerekomendang piyansa.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Guagua PNP ang suspek habang inihahanda ng mga awtoridad ang mga dokumento bago iharap ang suspek sa husgado. (RAUL SUSCANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raul Suscano

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …