Tuesday , January 14 2025

School year 2021, sa Setyembre na

KUNG maraming estudyante ngayon ang walang laman ang mga utak sa pag-aaral dahil walang face-to-face, sinundan ngayon ito ng napakahabang bakasyon, dahil aprobado na kay Pangulong Duterte na sa September 13 ang pagbubukas ng klase sa taong 2021.

Mga mag-aaral na bulakbol at puro mobile legend ang laman ng utak, ang unang nagpipiyesta sa desisyong ito ng Kagawaran ng Edukasyon, lalong darami ang bobo sa ating bansa!

Sino ba ang kadalasang nasasangkot sa malalaking krimen? Kadalasan anak ng maiimpluwensiyang tao sa bansa na nag-aral sa mga kilalang unibersidad pero puro kagagohan at katarantadohan ang natutuhan, lalo pa ngayon na home study ang ipinaiiral, mas darami pa ang mga walang laman ang utak!

Noong araw, lagi akong sinasabihan ng magulang ko ‘wag ka magmahal o umibig sa basketball player, dahil walang laman ang utak kundi bola.

Kadalasan iskolar ng eskuwelahan, kaya ang sistema, iskolar nga dahil walang tuition, pero ang utak walang laman!

 

SUWERTE NG SUSUNOD NA P’QUE MAYOR

Napakapalad naman ng susunod na alkalde ng lungsod ng Parañaque, dahil debt-free na ang lungsod matapos iwanan ng dating administrasyon ng P4 bilyong pagkakautang. Ito ay dahil na rin sa tulong ng koleksiyon ng City Treasurer Anthony Pulmano at ng iba’t ibang departamento gaya ng BPLO, Registry of Deeds, Land Tax, at iba pa na naging mataas ang koleksiyon, at siyempre sa mahusay na pagmamantina ng top officials ng lungsod sa pangunguna ni Mayor Edwin Olivarez.

Balita na ang nakababatang utol ng District 1 Congressman ang hahalili kay Kuya Edwin, dahil matatapos na ang kanyang tatlong termino. Kung inyong matatandaan, noong huling halalan, walang lumaban kay Kuya Edwin, ewan natin ngayong darating na May 2022 elections kung may kalaban ang utol nitong kongressman…

Matunog si dating Congressman Gus Tambunting, pero urong-sulong pa at walang confirmation kung tatapatan ang batang Olivarez bilang alkalde ng lungsod ng Parañaque.

Tambunting vs Olivarez kung sakali, parehong matitikas na apelyido.  May laban kaya ang kampo ni Tambunting? Walang imposible sa gusto ng tao! Ang pangarap at ambisyon ay hindi nababago, pero ang tao ay nagbabago!

Abangan…

About Amor Virata

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Pulis na private security ng mga kandidato, ipinasisibak

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MGA kandidato sa 2025 elections na may mga banta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC-LGU, may paaginaldo pa sa QCitizens

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAPOS na ang Pasko…at heto nga Bagong Taon — 2025 na, …

Firing Line Robert Roque

Renovation na karapat-dapat

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUMASAILALIM ngayon ang Rizal Memorial Sports Complex, isang makabuluhang …

YANIG ni Bong Ramos

Another year over, a new one just begun

YANIGni Bong Ramos WAGI at napagtagumpayan nating tapusin at lagpasan ang lumipas na taon 2024 …

PADAYON logo ni Teddy Brul

FPJ Panday Bayanihan Partylist patok sa masa

SUMISIKAT sa masa ang party list na FPJ Panday Bayanihan party-list. Isa sa mga pangunahing …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *