Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

42 magigiting na sundalo ibinuwis ng refurbished unit na C-130H 5125

BULABUGIN
ni Jerry Yap

ILANG pamilya ang naulila sa pagkamatay ng 42 magigiting na sundalo ng Armed Forces of the Philippines – Air Force (FAP), sa refurbished C-130H 5125 na lumapag pero kasunod nito ay sumabog sa Jolo, Sulu?!

Ilan sa mga pamilyang ito, ay mga batang nawalan ng sundalong tatay.

Sa mga nagkalat na video sa social media, nakitang nakalapag na ang C-130H pero patuloy na umandar hanggang makarinig ng malakas na pagsabog ang mga kapwa sundalong naghihintay.

Kaya marami ang nagsasabi na mukhang nag-overshoot ang refurbished na C-130-H.

Nakalulungkot na mayroon tayong magigiting na sundalong namamatay dahil sa pagbagsak o pagsabog ng mga eroplanong panggera.

Sa record, ang mga insidenteng kinasasangkutan ng refurbished na C-130H ay noong 16 Disyembre 1993:

C-130H 4761, Philippine Air Force (222 Squadron), nag-crash sa Mount Manase, 250 kilometers southeast ng Maynila habang lumalapag sa Naga Airport.

25 Agosto 2008: L-100-20 4593 ng Philippine Air Force (220th Airlift Wing based, Mactan, Cebu), bumagsak dakong 20:55 hrs., sa dagat matapos mag-take-off sa Davao City. Dalawang piloto, 7 crew, na kinabibilangan ng Instructor Flight Engineer, student flight engineer, Crew Chief, 2 Load Masters, student Load Master at flight mechanic, at 2 Scout Rangers ang sakay sa eroplano nang sumabog ito.

Noong 27 Marso 2019 ang C-130H 4726 ng Philippine Air Force ay nagliyab nang mag-take-off sa Clark Air Base. Walang namatay sa insidente,

At kahapon, 4 Hulyo 2021, ang C-130H 5125 ng Philippine Air Force, sakay ang 96 pasahero ay nag-crashed sa Jolo, Sulu; 42 passengers ang namatay, 49 nasaktan, at 5 ang unaccounted for. Tatlong sibilyan ang napatay at 53 a ng sugatan;  ang kabuuang casualties ay 45 ang namatay at 102 ang nasaktan.

Ang sinabing dahilan, hindi raw nakita ang runway.

Siyempre iimbestigahan ‘yan. Pero marami na ang nagsasabi mukhang nag-overshoot. 

Magugunitang  umorder ang pamahalaan ng 16 multi-role aircraft mula sa Polish firm kaya nalisensiyahan ng Sikorsky division ng US defense manufacturer Lockheed Martin.

Eleven units ang nai-deliver mula noong huling bahagi ng 2020.

Ang tanong, ilang milyong piso ang ginastos ng gobyernong Filipino para bumili ng C-130?

Sa mga huling pangyayari, isa lang ang maitatanong natin, sulit ba ang pagbili ng mga C-130?!

Kayo na po ang sumagot.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *