NADAKMA ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) at District Anti-Cyber Crime Unit (DACCU) ang 39 katao na sinabing sangkot sa ‘phishing scam’ target ang mga foreigner sa isinagawang raid sa Quezon City, nitong Sabado
Nakatanggap umano ang mga awtotidad ng impormasyon na ang mga suspek ay nagsasagawa o nag-o-operate ng ‘phishing scam scheme.’ Target nitong biktimahin ang foreign nationals na naninirahan sa ibang bansa.
Nitong 19 Hunyo, dakong 10:00 pm, sinalakay ng mga awtoridad ang Per se Intellect Marketing Campaign Services sa Brgy. Greater Lagro, Fairview, at naaktohan ang mga suspek sa isinasagawang ‘illicit activities.’
“The suspects were engaging and operating a phishing scam scheme that targets and victimizes foreign nationals living outside the country,” ayon kay P/Maj. Elmer Monsalve, hepe ng CIDU ng QCPD.
Bukod dito, ang mga suspek ay nadiskubreng lumalabag sa ‘public health protocol’ gaya ng hindi pagsusuot ng facemasks at face shields sa loob ng tanggapan na kanilang pinagtatrabahuan. Wala rin naipakitang business permits para sa kanilang operasyon ang nasabing tanggapan.
Tatlo sa mga naaresto ay kinilalang sina Rose Castolo, company manager; Jestor Aludino, at Mitch John Esteban habang nasagip ang 17-anyos empleyada, na agad dinala sa Social Services Development Department ng Quezon City.
Nakapiit ang mga suspek habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa Republic Act 11332 o the law on mandatory reporting of communicable diseases and public health concerns; city ordinance for operating business without permits; RA 10364 o Trafficking in Person especially Women and Children; RA 10175 o the Cybercrime Prevention Act of 2012, at RA 7610, o the Special Protection against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act. (ALMAR DANGUILAN)
Check Also
Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL
IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …
Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado
SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …
Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC
BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …
Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP
NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …
Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY
PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …