Sunday , December 22 2024

KYUSIna ni QCPD Dir. PBG Yarra, umarangkada na

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan
PAGBIBIGAY seguridad sa bayan at mamamayan, masasabing prayoridad ng Philippine National Police (PNP) o mga pulis. Tiyak na seguridad ng mamamayan laban sa masasamang loob – holdaper, kidnaper, drug pusher, sindikato o sa madaling salita kriminal.
 
Sa kabila naman ng kakulangan ng bilang ng pulis sa bansa, ginagawa ng pulisya ang lahat ng kanilang makakaya matiyak lang ang seguridad ng mamamayan bagamat, kung minsan ay nakalulusot ang mga ‘demonyo.’
 
Nakalulungkot nga lang na may mga kaso na ang sangkot sa krimen ay mga pulis pero, hindi naman ito kinokonsinti ng pamunuan ng PNP – inaaresto ang mga pulis, sinisibak/sinusupende sa posisyon o kapag mapatunayan ay tuluyang tinatanggal sa pagkapulis o sa serbisyo.
 
 
Sa madaling salita, ang pulis ay kilala ng marami sa pakikipaglaban sa kriminalidad sa bansa para tiyakin ang seguridad ng mamamayan.
 
Pero sa ganitong paraan/gawain lang ba natin nakikilala ang mga pulis? Mali, sapagkat hindi lang hanggang serbisyo, proteksiyon/seguridad ng mamamayan ang gawain ng pulisya natin ngayon kung hindi nakapokus din sila sa pagbibigay ng ibang serbisyo sa mamamayan lalo ngayong panahon ng pandemya.
 
Sa katunayan, isa sa patunay na gawain ng Quezon City Police District (QCPD) na pinamumunuan ni District Director P/Gen. Antonio Yarra ang pagbibigay ng tulong sa mamamayan ng lungsod lalo sa mga kapos-palad.
 
Ang pagtulong ay sa pamamagitan ng inilunsad kamakailan ni Gen. Yarra – nariyan iyong tinatawag na “KYUSIna ng Bayan” bilang tugon sa direktiba ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) na pinamumunaun ni P/Maj. Gen. Vicente Danao, programang “BARANGAYanihan – Serbisyong TAMA Caravan.
 
Sa salitang BARANGAYanihan pa lamang, batid na natin kung ano ang mayroon – kung baga, ito ay isang bayanihan. Batid naman natin na likas sa mga Pinoy ang bayanihan o nagkakaisang pagtulong sa mga nangangailangan o kapos palad.
 
Kamakailan, nitong 10 Hunyo 2021, isa sa mga naunang beneficiary o nakatikim sa kakaibang serbisyo ng QCPD ay mga residente ng Barangay Tatalon, Quezon City.
 
“KYUSIna” mula sa salitang kusina…alam n’yo na kapag kusina ang napag-usapan. Yes, tama kayo, pagkain po. Nagpakain ang QCPD sa less fortunate families sa Tatalon. Bukod sa namigay din sila ng groceries at bigas.
 
Siyempre, kasama sa programa ang panawagan ng pulisya sa mamamayan na maging partner sa pakikipaglaban sa kriminalidad – nagbigay ang QCPD Team ng kaalaman sa mga residente hinggil sa pagsugpo sa ilegal na droga, terorismo, at mga sindikato.
 
Mismong si Gen. Yarra ang nanguna sa pagbibigay tulong at aral sa mga kababayan natin sa Barangay Tatalon.
 
Ayon kay Gen. Yarra, sa tulong ng 16 police station ng QCPD, gagawin nilang lahat na makarating sa mamamayan ng lungsod ang BARANGAYanihan ng QCPD Team – ang KYUSIna ng Bayan.
 
Teka, hanggang pagbibigay ng groceries, pagpapakain at pagbibigay ng lecture lang ba ang layunin ng QCPD Team ni Gen. Yarra? Hindi, kung hindi – ang isa sa highlights ng serbisyong TAMA ng pulisya ay pagbibigay ng wheelchair para sa PWD. Tawag ng QCPD sa serbisyong ito ay “Wheel Care.” Dalawang PWD ang nabigyan ng wheelchair…at siyempre, inaasahan na marami pang mga kapos palad na nangangailangan ng wheel chair ang tutulungan ng tropang QCPD ni Gen. Yarra.
 
Iyan ng pulisya natin, ang QCPD. Hindi lang pansabak laban sa kriminalidad kung hindi pansabak din sa pagbibigay tulong sa mga pampersonal na pangangailan ng mamamayan.
 
Sa inyo Gen. Yarra, sampu ng mga bumubuo ng QCPD, saludo ang bayan sa inyo.
 
To God be the glory.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *