Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata
NAKATATAWA at mukhang walang masabi itong si Presidential adviser for entrepreneurship Adviser Joey Concepcion sa mungkahing paghiwalayin o magkaroon ng segregation ang mga nabakunahan na at hindi pa sa lahat establisimiyento upang maiwasang mahawa pa ang mga nabakunahan na.
Parang walang katuturan ang mungkahing ito ni Concepcion dahil bago ‘yan ay unahin muna ng Department of Transportation (DOT) ang magsakay ng mga pasahero na wala pang bakuna at maging ang mga pumapasok sa mga malls, public market o ‘yung mga lugar na congested.
Pulungin muna lahat ng mga nagmamay-ari ng negosyo na ipabakuna na ang kanilang mga empleyado. Maging sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno gaya ng LGUs, mga nagbabayad ng kanilang business tax o working permits, dapat ‘pag ‘di pa nababakunahan huwag nang papasukin dahil ‘di naman nagpapabaya ang LGUs sa pagkakaloob ng libreng bakuna.
Ang problema ay may mga tao talaga na ayaw magpabakuna! Dapat siguro ay magsilbing ID ang mga card na sumailalim na sa vaccine ang isang tao bago hayaang makapasok sa isang establisimiyento at hindi na kailangan ang segregation.
Halimbawa sa comfort rooms puwedeng magkita-kita ang may vaccine at no vaccine!
Sana makapagsalita para malaman na nagtatrabaho, pag-isipan muna ni Concepcion ang sasabihin dahil nakatatawa!
RICHARD GORDON FOR PRESIDENT?
Sa Olongapo City, marami akong nakapanayam, ayaw na nila sa Gordon. Noong naging Meyor daw ang anak nitong si Bryan, sinira nito ang iniwang legacy ng matandang Gordon.
Kaya posible na sakaling matuloy ang pagkandidato ni Richard Gordon sa pagkapangulo, lumitaw sa sarili niyang siyudad ay olat siya.