Sunday , December 22 2024

Hindi kikilala sa PhilID, pananagutin ng DILG

MAHAHARAP sa mabigat na kaparusahan ang sinumang tatanggi na tanggapin, kilalanin o i-acknowledge ang Philippine Identification (PhilID) card o PhilSys Number (PSN) nang walang sapat na dahilan.
 
Babala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, ang sinumang hindi kikilala sa PhilID o PSN ay maaaring maharap sa multang P500,000.
 
Aniya, ang government officials o empleyado na tatangging tumanggap ng PhilID card ay mahaharap din sa ‘lifetime ban’ sa paghawak ng kahit anong puwesto sa pamahalaan o employment sa gobyerno, kabilang ang mga government-owned and controlled corporations (GOCCs) at subsidiaries nito.
 
Nabatid na inatasan ni DILG Secretary Eduardo Año ang lahat ng local government units (LGUs) sa bansa na tanggapin ang PhilID card bilang single requirement sa lahat ng transaksiyon sa Filipinas.
 
Nagpalabas si Año ng memorandum na nag-aatas sa lahat ng LGUs na ikonsidera ang national ID card bilang sufficient proof of identity nang hindi na nanghihingi pa ng karagdagang identification document mula sa transacting public.
 
Hinikayat din niya ang pribadong sektor na ganito rin ang gawin, at maging sapat na ang PhilID, bilang pruweba nang pagkakakilanlan ng isang indibidwal.
 
Ayon kay Año, ang PhilID ay mayroon nang impormasyon ng rehistradong indibidwal, kabilang ang kanyang larawan, buong pangalan, address, kasarian, marital status, at petsa ng kapanganakan, upang maestablisa ang kanyang identidad.
 
Mayroon rin itong PhilSys Card Number (PCN), diffractive optically variable image device, QR (Quick Response) code, at PhilSys Number (PSN) Microprint para sa security purposes.
 
Samantala, hinikayat ng DILG chief ang transacting public na samantalahin ang pagkakataon para kumuha ng national ID at magparehistro para rito.
 
Sa panig ni Malaya, hinikayat niya ang transacting public na makipag-ugnayan sa kanilang LGUs o mag-register online sa https://register.philsys.gov.ph/ upang makapag-avail ng PhilID cards.
 
Aniya, ang Philippine Statistics Authority (PSA), na siyang lead agency sa PhilID rollout, ay maglulunsad rin ng digital authentications at Electronic Know Your Customer (e-KYC) gamit ang fingerprint, iris, facial, short message service (SMS) – based One Time Passwords (OTPs) o demographic verification sa pagtatapos ng taong ito.
 
Ang mga naturang upgrades umano ang magpapahintulot para maberipika ang identidad o pagkakakilanlan ng isang tao nang hindi na kailangan pa ang kanyang physical PhilID gamit ang PCN o iba pang tokens. (ALMAR DANGUILAN)
 
 

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *