Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bong Go, BBM, Manny Pacquiao, Isko, Sara for president?

NGAYON pa lang ay alam na ng lahat ang mga napupusuan ni Pangulong Duterte para tumakbo sa 2022 elections.

Posibleng sa mga pag-uusap ng kampo ni PRD ay sa presidente at bise-presidente iikot ang limang nabanggit at isa rito ay posibleng senador ang tatakbuhin.

Sa ganang akin, hilaw na hilaw si Senador Bong Go, naging Senador siya dahil bitbit ni PRD. Hindi nga nagkaroon ng posisyon sa lokal na pamahalaan, biglang naging Senador.

Kung si Manny Pacquiao ang tatakbong Pangulo ng bansa, sapat na ba ang kaalaman niya sa larangan ng politika? Sa boksing, oo, napakahusay at sikat na sikat, pero iba ang boksing sa larangan ng politika. Pera? Kayang-kaya ni Pacquiao ang gastos, pero hindi boksing ang politika, hindi sapat ang tumulong at magbigay ng pera sa mahihirap.

Kailangan ay may sapat na talino kung paano lalaruin ang politika. Si Pacquiao ay may pusong pangmasa, ang nakatatakot ay ang mga nasa paligid niya sakaling manalo bilang presidente dahil kulang sa kaalaman. Ang mga pagkakatiwalaan niya na higit na matalino sa kanya, sa paggawa ng pera.

Si BBM o Bongbong Marcos, posibleng may kakayahan, sa talino, karanasan sa politika, ngunit nahahati ang mga tao ngayon dito sa ating bansa. Maraming yumao na gustong-gusto ang amang si dating President Ferdinand Marcos.

Ang mga sumulpot na mga botante ngayon ay sinira ng masasamang isyu sa panahon ng Marcos administration, ngunit ang mga nabubuhay pa na tulad ko na inabot ang administrasyong Marcos, wala akong masabi kahit simple ang buhay ay nakararaos.

Ang batikos sa rehimeng Marcos na pagpapayaman at sa extrajudicial killings, pagdukot at pagpatay sa mga aktibista na pawang akusasyon ng mga kalaban sa politika.

Naapektohan ang political career ni BBM, sa tingin ko mas yumaman ang mga sumunod na pangulo ng bansa pagkatapos ni Marcos sa rami ng investors na pinapasok sa ating bansa, infrastructure projects.

Ano’ng say n’yo?

Hindi natin alam kung drama lang na ayaw ni PRD na patakbuhin si Sara Duterte bilang Presidente, puwedeng paniwalaan ang lahat dahil baka hindi makaya ni Inday Sara ang mga batikos. Kung sakaling tumakbo si Sara ay makatutulong dahil ang mga maiiwanan ng kanyang ama na iba pang plano o proyekto ay kanyang ipagpapatuloy.

Higit sa lahat, mga kaso na nakaabang mula sa mga kalaban sa politika.

Kung tatakbo naman bilang bise-presidente si PRD, suhestiyon ko magpahinga na lang siya, dahil  tumatanda na siya at upang tumagal pa ang buhay niya.

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …