Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Fans hiling ang more kilig moment nina Sanya at Gabby

Rated R
ni Rommel Gonzales

KUNG dati’y parang aso at pusa sina Nina at Jonas, ngayon ay nagkaaminan na sila ng feelings.

Hindi lang sina Yaya Melody (Sanya Lopez) at President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) ang nagpapakilig sa First Yaya. Patok na patok din kasi sa netizens ang blooming relationship nina Nina (Cassy Legaspi) at Jonas (Joaquin Domagoso).

Hindi naging maayos ang unang pagkikita nina Nina at Jonas. Pinagbintangan kasi noon ni Nina na manyakis ang huli at nagsumbong pa sa dean ng kanilang paaralan.

Kung dati’y tila aso’t pusa ang dalawa kapag nag­kakainisan, tila nagbago ang ihip ng hangin ngayon. Unti-unti nilang nakikilala ang isa’t isa hanggang sa nagkamabutihan sila at nagkaaminan ng kanilang tunay na nararamdaman.

Na-hook ang netizens sa pag-develop ng love story nina Nina at Jonas, at hindi nila mapigil ang kanilang kilig at tuwa.

Komento ng isang netizen na si Maya sa YouTube, ”Hu! Kinikilig talaga ako kay Nina at Jonas. Sana marami pa silang maging moment. Iba din yung chemistry eh.”

Supportive rin ang ilan sa love team nina Cassy at Joaquin. Hiling nila ay mabigyan pa ang dalawang Kapuso stars ng ibang projects at sana’y maging totohanan din ang kanilang pagtitinginan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …