Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rita naiyak sa nominasyon sa 11th Int’l Film Festival Manhattan

Rated R
ni Rommel Gonzales

EMOSYONAL si Rita Daniela nang malaman na kabilang siya sa mga nominado bilang Best Actress sa 11th International Film Festival Manhattan para sa kanyang pagganap sa pelikulang In The Name of the Mother.

Sa panayam ni Rita kamakailan sa 24 Oras, inihayag niya ang nararamdamang saya at pasasalamat, ”The fact na napansin ako, na-appreciate nila ‘yung trabaho ko roon sa pelikula na ‘yun, nakakikilig. Kaya ako naiyak kasi parang nakakikilig na nakae-excite na nakatutuwa.”

Dagdag pa ni Rita, karangalan na maituturing ang tiwalang ibinigay sa kanya para sa role sa nasabing pelikula na idinirehe ni Joel Lamangan.

“First ko narinig sa kanya na ‘Congratulations! You did great in this movie,’ sabi niya, ‘Congratulations in advance. Thank you for giving a good work.’ ‘Yun ‘yung naalala ko kaya naiyak na lang ako noong nakita ko ‘yung nomination kasi sabi ko, ‘Ah, okay. Mukhang totoo nga ‘yung sinabi ni Direk Joel.’”

Bukod kay Rita, nominado rin sa parehong category ang beteranang aktres na si Snooky Serna na kasama niya sa pelikula.

Samantala, malapit na muling mapanood sa telebisyon si Rita kasama ang ka-loveteam na si Ken Chan sa upcoming  GMA Afternoon Prime series na Ang Dalawang Ikaw. Abangan!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …