Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dennis at Andrea balik-lock-in taping

Rated R
ni Rommel Gonzales

BALIK lock-in taping na ang cast and crew ng inaabangang cultural drama series ng GMA Network na Legal Wives nitong Miyerkoles, May 26.

Sa behind-the-scene photos ng kanilang unang araw ng pagbabalik-taping, makikita na sinimulan muna ito ng team ng isang dasal. Matapos nito ay sumabak na sa kanilang eksena ang mga bida na sina Dennis Trillo at Andrea Torres.

Ang Legal Wives ay tungkol sa isang lalaking Maranaw na si Ismael (Dennis) na may tatlong magkakaibang babae na pakakasalan para sa iba’t ibang dahilan.

Si Diane (Andrea), isang Kristiyanong mamahalin ni Ismael at magiging pangalawang asawa nito; Amirah (Alice), ang unang asawa; at Farrah (Bianca), ang pinakabatang asawa.

Kasalukuyang nagte-taping sa isang resort sa Laguna ang cast ng Legal Wives.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …