Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maris Racal masaya kay Rico Blanco


HATAWAN
ni Ed de Leon

TINGNAN mo nga naman kung ano ang nagagawa ng sobrang brainwashing at aaminin naming nagagamit nga ang media sa mga bagay na iyan. Ang tagal na panahon na pinaniwalaan ng mga tao na may relasyon iyang sina Maris Racal at Inigo Pascual. May sinasabing nagkaroon sila ng problema at nag-split nga, pero marami pa rin ang umasa na magkakabalikan sila. Hanggang sa nito ngang mga nakaraang araw, inamin na ni Maris ang kanilang relasyon ni Rico Blanco.

Naniniwala kami sa relasyong iyan, kasi walang ibang dahilan eh. Noong iginigiit nila ang relasyon nina Maris at Inigo, may binubuo silang love team na inaasahan nilang magugustuhan ng publiko at natural magiging hit ang mga proyekto at pagkakakitaan na naman.

Pero ewan kung bakit nga ba sa lakas ng impluwensiya noon ng ABS-CBN, hindi kinagat ng mga tao ang love team. May nagsasabi ngang siguro kasi hindi naman tipong matinee idol talaga si Inigo. Wala sa kanya iyong charm ng isang matinee idol kaya hindi niya nabuhat ang love team nila ni Maris. Iyang love team na simula, depende iyan sa lakas ng batak ng lalaki. Siguro roon nga nagkulang. Baka nga mas ok pa kung sinubukan na lang nilang i-build up si Inigo bilang solo artist at

anak ni Piolo, kaysa binigyan pa nila ng love team.

Ngayon mukhang masayang-masaya si Maris sa relasyon nila ni Rico. Hindi nga hadlang ang malaking agwat ng kanilang mga edad sa kanilang pagmamahalan. Bakit nga ba, napipili ba base sa edad kung sino ang magpapatibok sa puso ng isang tao? At saka sa totoo lang, maraming mga babae ang naghahanap ng mga boyfriend na mas matured kaysa kanila.

Kung mas may edad ang boyfriend, mas mapagpapasen siyahan niya ang kanyang girlfriend kaysa mas bata ang lalaki o kaya ay magkasing edad lamang.

Palagay naman namin walang naging objections ang pamilya ni Maris o maging ang pamilya ni Rico sa kanilang relasyon, at iyan ay magandang simula. Naniniwala kaming magtatagal na ang kanilang relasyon at mas mabuti nga siguro kung magkakatuluyan na silang dalawa.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …